Celine's POV Gulat ang aking ekspresyon nang may pumasok na ideya sa utak ko. Dahil sa mga sinabi ni Bulan sa akin, halos hindi ko mapaniwalaan ang mga naiisip ko. "I-ibig bang sabihin..." I trailed off my sentence. Napalingon ako sa mahimbing na natutulog na si Josh bago muling napatingin kay Bulan. "Siya ang huling misyon mo..." pag-amin niya... **** December 30, 2017 Napabuntonghininga ako nang maalala ang sinabing 'yun ni Bulan. Kasalukuyan akong nakaupo sa bench sa rooftop garden ng ospital habang nakatingin sa kawalan. Bahagyang lumalakas ang hangin at hinahayaan ko lang na tangayin ang buhok ko. Kahit na nasagot na ang misteryo sa misyon ko, hindi pa rin nabawasan bagkus ay nadagdagan pa ang mga katanungan na nasa isipan ko tungkol kay Josh. If he's my final mission, bakit k

