Celine's POV "Ayan na pala siya." Nagsimula na naman ang pagrigodon ng puso ko kasabay ng pagtunog ng sapatos na papunta sa amin. Nakita ko sa harapan ang naka-corporal suit at naka-wax na buhok ni Curt. Ibang-iba na ang awra niya ngayon. This is exactly the Curt I've known for the past 3 years. The cold-hearted bastard Curt Christian Fernandez. "It's nice to finally meet you all," panimula niya ngunit sa akin lang nakapukol ang kanyang tingin. "Thank you, sir. Kararating lang po namin kanina sa apartment at agad na pumunta rito. The place is very nice! Pangalawang punta ko pa lang po sa branch na 'to," komento ni Sir Fred. Halos parang mangusap na ang mga mata namin ni Curt. He has these amused eyes locked to me while I look at him in a boring way. Nang hindi ko na matagalan ang p

