Celine's POV Naging abala na naman sa loob ng Trutz Building dahil malapit na ang holiday. Puspusan na ang inventories at audit. Parami nang parami ang trabaho ko at saglit na nalimutan ang tungkol sa problema ko kay Warren at Josh. Pasado alas diez na iyon nang gabi nang matapos ako sa lahat ng dapat na pirmahan. Biglang nag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa tabi ng keyboard. Kinuha ko ito at binasa ang text message. Napangiti ako nang makitang galing ito kay Curt. Ito na siguro ang pang-singkwentang text message niya sa akin magmula nang maghiwalay kami at magtrabaho. Sabay kasi kaming pumasok ng opisina kanina. Madaling araw pa lang ay nasa loob na kami ng opisina sa Trutz dahil pareho kaming absent nang dalawang araw. Halatang-halata sa mga empleyado na nagugulat silang um-absent

