Chapter 6

2207 Words
Celine's POV Pumasok ako sa bar at pumunta sa receptionist area. "Are you Miss Celine Torres?" bungad niyang tanong. "Yes." "Nasa table na po si Sir. Just approach him na lang po." "Umm... kanina pa ba siya naghihintay?" "About 15 minutes ago." "Okay. Thank you." Agad akong naglakad papunta sa loob. Nakita ko ang wooden motif ng buong lugar. Ang kabuuan nito ay parang parte ng pirate ship. It's warm and welcoming with its vintage surroundings. Nang makita ko ang table ay agad akong lumapit. Nakita ko ang bulto ng katawan ng nakaupong lalaki na naghihintay doon. Nakaharap ang likod niya sa akin. But despite that fact, hindi ko makakalimutan ang hulma ng katawan niya. I will still know who this person is by just seeing his back. Naupo ako sa harap niya at saka siya binati. I should act surprised but my eyes betrayed me. Halos dumagundong na ang pagtibok ng puso ko. Hindi ang nakangiting mukha ni Curt ang nabungaran ko kundi ang seryoso niyang mukha. He managed to change his comfortable clothes to a formal suit and unbuttoned long sleeves. He's well-groomed and composed. Ah. Natatandaan ko ang eksenang ito. I vividly remember how this day ended. "I-ikaw?" Sinadya kong mautal para mabawi ang unang emosyon na naipakita ko sa kanya. I have to be very convincing. Hindi niya pwedeng malaman na pangalawang pagkakataon ko nang nadaanan ang eksenang ito sa buhay ko. "Yes. I'm absolutely that guy," he answered quickly answering the question in my mind. "The president?" Instead of answering, sumenyas si Curt sa waiter. He whispered something to him. After a minute, umalis ito at pumunta sa kitchen. That means he ordered the food already. "You've won the team building games." He stated the obvious. Napatango na lang ako habang ikinakawit ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. Minabuti ko na lang na ilihis ang tingin ko sa ibang parte ng bar upang mawala ang tensyon na namumuo sa katawan ko. Hindi ko pwedeng tapatan ng preskong ugali ang ugali ni Curt ngayon. He will definitely mistake everything about me. Kailangang maiba ang impression niya sa akin. "So, since this was one of your rewards in the National Team Building, let's get down to the point." He continued. Napalingon ulit ako sa kanya. Walang kabuhay-buhay ang tingin na ipinukol ko sa kanya. "Your manager told me that you're the kind of person who's goal-driven. Hindi ka nahihiyang sabihin na gusto mong yumaman at maging matagumpay sa buhay. You said that you don't care of how you can achieve it." I smirked at what he said. He's damn right. Iyon ang pagkakakilala sa akin ng karamihan sa 3F Store. I was their ace crew. Gusto kong tumaas ang posisyon ko sa kompanya balang-araw at gusto kong mamalakad dito. That's how I pointed out my goals before I entered the store. And now that I'm hearing all of these from him just makes me sick. I felt very bad that he had to background check me with this kind of information. This was the start of his cold treatment. If I had known about this 3 years ago, siguro naisalba ko pa ang puso ko. Hindi ko nanaisin pang habulin ang pangarap ko kung magiging kapalit naman nito ay ang pagtalikod niya sa akin bilang asawa. He has deceived me by retaining me by his side and gaining so much because of my abilities. Ginamit niya lang ako para makuha niya ang Trece Fernandez. Sinamantala niya ang kagustuhan kong makaalis sa antas ng buhay na mayroon ako. "And what is your point here, Mr. Fernandez?" sa wakas ay tanong ko sa kanya. "I have a proposal for you. Sa tingin ko ay magugustuhan mo ito." He suddenly flicked his finger at agad na lumapit ang waiter sa kanya para ibigay ang isang maliit na kahon na kulay krema. Nang buksan niya iyon ay tumambad sa akin ang isang mamahaling singsing. The design is marvelous. Tadtad ito ng diyamante ngunit simple lamang ang pagkakalapat nito. It was a classic diamond ring. "Marry me and I will give you everything that you want and need," he suddenly proposed. Nanlaki ang mga mata ko at napakuyom ng kamay. Pinipigilan ko ang pagbugso ng luha ko. Ilang minuto rin akong nanahimik bago muling nagsalita. I lowered my gaze and laughed. Nakita ko sa aking peripheral view ang gulat na ekspresyon ni Curt. "Ouch, Mr. Fernandez. You're making me the ambitious, bad girl. I know people around me have told you that I love money. That's my job. I receive money from your customers. I'm just a mere cashier. 'Yung pangarap kong maging mayaman ay mas imposible pa kaysa World War III. But I still aim for success." I leaned forward and held the box from his hand. "Pero ang pera at tagumpay ay pinaghihirapan, 'di ba? How much do you bet for me to agree with you?" Inusisa ko ang mukha ni Curt. There was a hint of relief in his eyes nang itanong ko iyon. Siguro ay guni-guni ko lang iyon. It was the most dangerous question I'd ever asked. Wala akong choice. Kailangan kong baguhin ang perception niya sa akin noon. I will no longer be that same Celine na ang tingin ng iba ay mukhang pera. Not anymore. Ito na ang pagkakataon ko na itama ang lahat sa buhay ko. Hindi ko na hahayaan pang maliitin ako nang tuluyan ni Curt. Napataas ang kilay ko nang mapansing hindi na nagsasalita si Curt. He has no plan on answering either. I think I busted his ego. "I guess you've been a hundred percent?" Natatawang napailing ako. Dahan-dahan kong itinulak sa kanya ang box at agad na tumayo. Tatalikod na sana ako at maglalakad papalayo pero pinigilan niya ako sa braso. Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya. He was pleading me to stay. "I'm not the right person for this, Mr. Fernandez. Ewan ko. Pakiramdam ko kaya mo ako nilapitan noon sa store ay dahil alam mong hindi ako tatanggi sa offer mo. Sorry to tell you this, sir. You can't have all that you want in this world kahit ikaw pa ang may-ari nito. So, stop it. I don't want to see you again." Akmang aalisin ko na sana ang kamay niya sa braso ko pero hindi niya pa rin ako binibitiwan. "C-can we just forget that this day happened?" He finally asked, almost in a whisper. Damn it, Curt. Just give up! "Magre-resign ako." "I suggest you don't do it." "I suggest you just leave me alone and get lost." "Damn it, I'm sorry!" Napipi ako sa sinabi niya. It was also his first time to said sorry to me. Somehow, it all felt good. Mapapatawad ko rin siya sa kasalukuyan kung sinabi niya rin sa akin 'to. Or I could use to acknowledge his sorry today for me to forgive him in 2020. Napapikit na lang ako sa inis sa naging takbo ng usapan namin. Hindi ko alam kung ano ang susunod na gagawin ko. The more na nilalayuan ko siya ay mas lalo siyang lumalapit sa akin. Bulan, ano bang gusto mong gawin ko para makabalik na ako sa kasalukuyan? Matipid akong ngumiti kay Curt at dahan-dahang binawi ang braso ko. "Sorry rin. Pero tama na 'to." Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at agad na umalis sa lugar na 'yun. Habang papalabas ako ay hindi ko mapigilan ang pagbagsak ng luha ko. Nang makalayo ako ay agad akong nabuwal sa lupa. Hikbi ako nang hikbi. Hindi ko mapigilang umiyak. Ang tanga-tanga ko. Hinayaan kong maliitin ako ni Curt 3 years ago nang dahil lang sa kagustuhan kong maging mayaman. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang may kasalanan kung bakit naging gano'n ang trato niya sa akin. Hinayaan ko siya. *** Kinabukasan, uwian na. Sumakay ako sa van na itinuro ni Sir Fred na sasakyan. Sa buong byahe ay wala akong gana. Nag-earphones na lang ako para walang magtatangka na kausapin ako. Nang makarating na kami sa Plaridel ay naghiwa-hiwalay na kami. Pagkarating sa bahay ay diretso lang ako sa kwarto ko at nahiga. At buong araw na nakatulala sa kisame. I just want to shut things out for now. This month in my memory is too painful for me, and still is now that it's been replaying before my eyes. *** "Anyare, Celine? Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang tanong ni Sir Fred sa akin nang iabot ko sa kanya ang resignation letter ko. "Magre-resign na po ako, sir." "Hindi pwede." "Bakit hindi?" "Hindi ka pinayagan ni Sir Curt." Nagpagting sa tenga ko ang sinabing 'yon ni Sir Fred lalong-lalo na nang marinig ko ang pangalang iyon. Hindi ba talaga siya titigil? "Wala na palang freedom ang empleyado na mag-resign ngayon?" sarkastikong tanong ko kay Sir. "That's the order. Hindi ka pwedeng mag-resign sa walang kwentang dahilan." "Hindi sapat ang sweldo rito. That's enough valid reason." "He has already offered you a job." Napataas naman ang kilay ko sa tinuran niya. "A job? Talaga? Now I know. Trabaho pala ang in-offer niya sa 'kin kagabi. Kaya pala." Naningkit bigla ang mga mata ni Sir Fred. "Ano ba talagang nangyari kagabi, Celine? Why suddenly quit? Let me understand you." "Can I just keep it to myself instead, sir? It's too personal." "Well, hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang nangyari. Pero hindi pa rin kita papayagan na umalis. Wala akong choice kundi ang sundin ang utos ni Sir Curt. Sisisantehin niya ako kapag hinayaan kitang mag-resign!" Napahilamos sa mukha si Sir Fred gamit ang kamay. Nagkuyom ako ng palad dahil sa inis at agad na tumayo. "Sir, aabsent muna ako. Kahit man lang absent ay payagan n'yo ako. Gusto ko munang mag-isip nang mabuti." Iyon lang at agad nang umalis sa office without waiting for my boss' approval. *** Sa sobrang pag-iisip ay dinala ako ng mga paa ko sa loob ng playground. Naupo lang ako sa may duyan nang hindi umuugoy. Alas kwatro na nang hapon at bahagya nang makulimlim ang langit. Napabuntonghininga ako. "Bulan... tulungan mo 'ko. Ano bang dapat kong gawin ngayon? Nalilito na ako. Hindi ko alam kung ano bang hahanapin ko rito. Ano bang gusto mong gawin ko para makabalik na ako?" "Ang ingay mo naman!" "Ay palaka!" sigaw ko dahil sa gulat. Nasa kabilang duyan lang ang nagsalita. Nang lingunin ko siya ay hindi na ako nagulat. Napairap na lang ako nang makita ang mapang-asar na ngiti at pagkaway ni Bulan sa akin. "Na-miss mo na ako kaagad," sabi niya. "Asa..." Napairap ako. "Nakuha mo na ang buhay na gusto mo. Binalik na kita sa buhay na 'to. Bakit gugustuhin mo pang bumalik sa kasalukuyan? Ang tingin lang naman ni Curt sa'yo ay dekorasyon." "Gusto ko nang bumalik." "Bakit? Dahil nalaman mong 'yon lang ang habol niya sa'yo? Pa'no ka nakakasiguro na gano'n nga ang nararamdaman niya?" Napabaling ang tingin ko sa kanya. "Ano bang gusto mong gawin ko? Bakit kailangan ko pang malaman ang lahat ng 'to?" "May mga bagay sa mundo na hindi natin pwedeng madaliin, Celine. Kung palagi ko na lang isusubo sa'yo ang bawat impormasyon, ano pang saysay ng hiling mo? Imbes na magreklamo ka, bakit hindi ka na lang masiyahan sa sitwasyon?" Saglit akong natahimik at napaluha. Nang makahuma ay nagsalita akong muli. "Ang gusto ko, 'yong hindi ko na siya makikita sa buhay ko. Ang gusto ko hindi na ako maikakasal sa kanya. Bakit sa panahon na 'to palagi niya pa rin akong sinusundan? Hindi ba pwedeng may mundo na walang ipinanganak na katulad niya?" "Oy wag kang abusado, a? Time travel lang kaya kong tuparin sa hiling mo, hindi ang mapunta ka sa parallel universe. Hindi posible 'yun dahil hanggang sa libro at movies lang nage-exist 'yun." Bulan sighed and looked at me. "Alam mo, Celine... mahina lang talagang umunawa ang utak mo ngayon dahil masyado kang naka-focus sa nararamdaman mo. Subukan mo rin minsan na mag-isip ng magandang plano kung paano kayo hindi magkakatuluyan ni Curt. Kung 'yun talaga ang gusto mo, magagawa mo 'yun. "Sa pagkakataong 'to, Celine, hindi na ang tadhana o ang oras ang magdidikta sa'yo. Kundi ang puso mo. Sa'yo nakasalalay ang magiging hinaharap mo, Celine. Hindi sa akin. Kaya bigyan mo ako ng magandang dahilan para ibalik kita sa kasalukuyan. Kapag nahanap mo na 'yun, pangako, makakabalik ka na." Hindi na ako muling nagsalita pa. Alam kong nawala na rin si Bulan sa tabi ko. Hanggang sa maggabi at nasa higaan na ako, hindi mawala-wala sa isip ko ang mga sinabi ni Bulan... "Sa pagkakataong 'to, Celine, hindi na ang tadhana o ang oras ang magdidikta sa'yo. Kundi ang puso mo. Sa'yo nakasalalay ang magiging hinaharap mo, Celine. Hindi sa akin. Kaya bigyan mo ako ng magandang dahilan para ibalik kita sa kasalukuyan. Kapag nahanap mo na 'yun, pangako, makakabalik ka na." Sa bintana ako nakatanaw ulit mula sa kwarto ko sa bahay ni Tiya Bechay. Bulan, salamat. Kahit hindi mo naibalik sa akin sina Mama at Papa, atleast tinupad mo ang hiling ko na manumbalik ang lahat. Hahanapin ko ang bagay na sinasabi mo. Sana lang hindi na ako maging mahina sa pangalawang pagkakataon na ibinigay mo sa akin... -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD