Celine's POV "Gusto kong ma-experience 'yan," turan ni Josh nang ituro ang dalawang magkasintahan na naka-holding hands sa loob ng department store. Memories started to rush in my mind. Parang nag-slow motion ang lahat nang may maalala sa magkahawak na kamay ng dalawa mula sa malayo... Sa loob ng department store ng isa sa mall na pagmamay-ari ng Trece Fernandez, naglalakad kami ni Curt habang namimili ng paborito niyang sapatos. Mayaman mang maituturing ay isang kuripot na tao si Curt. Mas prefer niyang bumili ng murang produkto kaysa i-spend ang pera niya sa mamahalin pero same ang quality sa ibang brands. Kadadaan lang namin sa cashier nang bigla siyang mapahinto at tinitigan ako sa mata nang may seryosong mukha. "I've never done this before. I wanna know how it feels like," biglang

