Celine's POV Pagdating sa bahay ay nagtaka ako nang makitang nakabukas ang apartment. Dali-dali akong pumasok at kumuha ng walis. Pakiramdam ko ay pinasok na kami ng magnanakaw. Nagsimula nang magrigodon ang dibdib ko dahil sa kaba. Isipin ko pa lang na pinagdiskitahan ang ipon ko na nasa bag, parang nanlulumo na ako. Hindi ako makakapayag na itakas ng magnanakaw ang pera ko! Timing naman na may lumabas mula sa kusina at agad kong pinaghahataw ng walis sa ulo. "Walangya ka, magnanakaw! Anong ginagawa mo rito?!" "Aray! Wait! Celine, stop it!' Napatigil ako nang marinig ang boses niya. Nang iangat niya ang mukha niya ay napalayo ako. "Ikaw na naman? Bakit ka nandito? Pa'no ka nakapasok?!" Curt massaged his head and winced before answering. "May duplicate ako ng apartment n'yo. Kara

