Sa mga sumunod na araw ay tuluyan ng nanatili si Caith sa kanilang tahanan dahil sa mga pagbabago ng kanyang naramdaman. Minsan ang maliit na bagay ay pinapalaki niya, at ang inis niya kay Rafael ay umabot pa sa gusto niya itong kurutin. Kaya minsan sa madaling araw ay makurot niya ito kapag nagising siya at katabi ito, halong gigil at inis ang kanyang nakikita kay Rafael. Kahit gaano kahaba ang pasensya ni Rafael ay minsan niya itong tinalikuran dahil sa hindi na niya inaasahan ang ibang gusto nito. Mas pinili niyang lumayu at pahupain muna ang asawa saka na babalikan, pero sa bawat ganong tagpo ay maabutan niya itong umiiyak kapag tinalikuran niya. Naging emosyunal si Caith at minsan may mga pag-aaway na sila dahil nadidisturbo na ang pahinga ni Rafael. Alas dos ng madaling araw, akman

