Third person's POV
.
.
Nagdaan ang araw at ni minsan hindi nagkatagpo ang landas ni Alex at Kingstone. Kung magkakatagpo man sila ng landas bago pa mangyari iyon ay umiiwas na si alex dahil baka hindi niya makontrol ang sarili niya pag nagkatagpo sila ni kingstone. Hindi niya kasi matanggap na yung pinapahalagahan niyang skateboard na galing pa sa lolo niya ay basta basta na lamang winasak.
.
.
Samantalang si Kingstone naman ay halos hindi na makatulog-tulog dahil sa nararamdaman niyang konsensiya. Araw-araw niyang iniisip ang nangyari at aminado siya na nagkamali nga siya ng reaksiyon dahil nadala siya sa sakit na naramdaman niya kaya nabulag siya ng galit at nagawa niya iyon. Lalo pang nagdagdagan ang kaniyang konsensiya ng maisip niyang hindi man lang siya nakapagpaumanhin sa dalaga.
.
.
Kingstone's POV
.
.
Son, I heard what happened. What you did was so rude lalo na't babae siya. Apologize to her if you don't want any issues. Dad said after we ate.
.
.
I-i'm trying, but she's avoiding me. I replied
.
Son, girls hearts are fragile, expect that she will avoid you after what you did. Mahinahong sabi ni mommy.
.
.
She hitted me. I exclaimed
.
.
Did she intended to do that? Dad said that made me stopped
.
.
N-no, but she still---- i didn't finish what am i saying 'coz dad cut what i was about to say.
Apologize or you'll be grounded for months. Said dad, I wasn't able to talk because I know when dad is serious and not.
Alex's POV
Malapit na ako ng school ng makarinig ako ng harurot ng motor. Kahit hindi ko lingunin ay alam ko na kung sino ito. Hanggang ngayon hindi pa rin ako maka-move on sa skateboard ko na sinira niya, at ang damuho hindi man lang nagsorry. Huh! hanep.
.
.
Pagkarating ko ng classroom ay umupo na agad ako sa upuan ko at saka sinuot ang headset. Wala pa naman si prof, mabuti ng makinig ng music kaysa sa mga bunganga ng mga kaklase ko.
.
.
Hey. Napamulat ako ng marinig ko ang pamilyar na boses sa tabi ko. Pagmulat ko ay lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sa amin.
Ano bang kailangan ng magpipinsan na to sakin? Hindi pa ba sapat na sinira nila ang pinakainiingatan kong skateboard?
.
.
Kung gusto mong makipagaway pasensya na wala ako sa mood. sabi ko sabay pikit ulit ng mata habang nakikinig ng music.
.
.
I just want to apologize for my action last time. Rinig ko sabi niya kaya napamulat ulit ako sabay tingin sa kanya. Nagbulungan naman ang mga chismisa kong mga kaklase.
.
.
Hindi pa man ako nagsasalita ay tumayo na siya at lumipat sa upuan niya at sumunod naman ang dalawa niyang pinsan. Bastos talaga, nagsorry siya pero hindi ibig sabihin non na hindi na ako galit sa kanya.
.
.
Ang skateboard na yon ay galing pa sa lolo ko, iniingatan ko yon dahil siya lang nakakaintindi ng mga bagay na gusto ko di gaya ng magulang ko. Mas close rin ako sa kanya dahil na rin siguro siya ang madalas kong kasama nung bata ako. Laging nasa companya ang parents ko kaya madalas lolo ko ang kasama ko. Alam niyang hindi ako yung girly type na babae, kaya pagnireregalohan niya ako ay talaga namang gustong gusto ko ang binibigay niya at lahat yun ay pinakainiingatan ko.
.
.
Pero basta-basta lang sinira ng lalaking yun. Kainis.
.
.
Natapos nag araw na hindi na kami nagpansinan pa ni Kingstone. Sabagay ay hindi rin naman kami close para magpansinan. Palabas na ako ng gate ng biglang may tumawag ng pangalan ko.
.
.
Ate Sandyyy!! Paglingon ko sa likod ay nakita ko si Thania na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Nasanay na lang rin ako sa tawag niya sakin. Ilang beses ko na siyang sinabihan pero ayaw niya patinag kaya hinayaan ko na lang.
.
.
Maaga ka ngayon ha. Alas tres pa lang, di ba 5 uwian mo? Paguusisa ko.
.
.
Ah nagpaexcuse ako kasi may event sa bahay hihi. Sabi niya na parang kinikilig. Tara sabay na tayo umuwi sabay sabi niya kaya nagpatuloy na rin ako sa paglalakad.
.
.
Pagkauwi ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Iidlip na sana ako ng biglang magring ang phone ko.
.
.
Yes mom? Tanong ko agad ng makita ko na si mommy ang tumatawag.
.
.
Get dressed, may pupuntahan tayo mamayang 5pm. Sabi niya sa kabilang linya.
.
.
Okay. Maikling sagot ko, ayoko mang sumama sa kung saan na naman yun pero ayoko na lang makipagtalo. Usually pag ganitong sinasama ako ay sa mga company events, and talagang napakaseryoso ng parents ko when it comes to business. Kaya kapag umaayaw ako ay talaga namang ikinagagalit nila. Si lolo lang noon ang kakampi ko, But now I'm on my own.
.
.
Don't forget to wear a decent dress, it's a formal event. Sabi niya sabay patay ng linya. Napabuntong hininga na lang ako sa sarili kong sitwasyon.
.
.
Ate Sandy?! Rinig kong tawag ni Thania mula sa labas. Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakagayak siya. May pupuntahan siguro
.
.
Ate busy ka? Ayain sana kita sa bahay. Sabi niya na parang nahihiya pa.
.
.
Bakit anong meron? tanong ko
.
.
Birthday ko kasi ngayon *0/* excited na sabi niya.
.
.
Naku pasensya na, kakatawag lang ng parents ko. May pupuntahan kami ngayon. Sabi ko na mukhang ikinalungkot naman niya.
.
.
Ganun ba? Sige siguro sa next birthday ko na lang. Sabi niya ng may bahid ng lungkot. Medyo naguilty naman ako. Paalis na sana siya ng tawagin ko ulit.
.
.
Thania. tawag ko na ikinalingon niya. Happy birthday, babawi ako bukas. Dugtong ko naman na siyang ikinangiti niya.
.
.
Salamat ate! sabi niya sabay takbo pababa. Sakto naman na may bumusina sa labas, sundo niya siguro.
.
.
Ako naman ay bumalik sa kwarto para maghanap ng pwedeng idamit mamaya. Hindi ako mahilig magdress at mag-ayos pero meron akong dala-dala para sa mga ganitong sitwasyon.
.
.
Mahilig umattend ng mga events ang parents ko kaya nakasanayan ko na rin namang magayos ng sarili ko dahil madalas nila akong isama. Pag ka wala sila saka lang ako nakakapagayos ayon sa gusto ko. Yung simple lang at walang kahit ano sa muka. Pero pag kasama ko sila, parang hindi ko kilala ang sarili ko dahil lahat ng sinasabi nila kailangang sundin ko.
.
.
I've never been free, and I guess I will never be.
Sana nandito pa si lolo.