"Wag kang magkakamali Gago! kung ayaw mong mawala sa mundo ng maaga." Bulong ko sa isip ko.
"So you're awake baby!"
Sabi nito. Saka dinilaan pa ang labi niya.
Bago tumingin sa dibdib ko na naka bakat sa kanya damit na manipis na suot ko. Kaya wala sa sariling na takpan ko ng braso ko ito. Lalo lang ngumise ito saka lumapit sa akin, humanda ako.
"Patay na Madam, mukhang nakursunadahan ng Unggoy na ito si Gabby." Rinig kong sabi ni Mick.
"Nalintikan na. Gabby kalma ka lang." Sabi ni Veron. Kilala niya kami.
"Try to lay your hands on me I'll surely you die" Bulong ko ulit. Gumapang ito sa harap ko at aktong hahawakan na ako nito ng may pumasok uli sa pinto.
"Douglas our Boss call you!" sabi nito. Napa busangot ito. Huminga ng malalim at tumayo saka umalis sinara ng isang lalake ang pintuan.
Nakahinga ng maluwag sila Mick at Madam.
"Akala ko mabubulilyaso na." Sabi ni Mick, natawa si Jess. Mayamaya may pumasok at walang sabi sabi na hinila ang braso ko. Saka kami lumabas na kita ko na madilim parin sa labas.
"Mukhang tahimik ito ah!"
Sabi nung lalake na naka upo.
"Oo nga kagaya nung isa." Sabi naman ng katabi nito. Tiningnan ko sila.
"Oh! That's Luther Salameda the Owner of Salameda inc." Rinig kong sabi ni Madam.
"Isa pala siya sa nasa likod ha!" Sabi uli nito. Umakyat kami sa barko saka binuksa ng mga lalake ang isang pintuan at saka ako tinulak papasok. Napa sobsob ako sa sahig inis na tiningnan ko ang lalake na may hawak sa akin. Pero wala na ito sinara ang pintuan. Nakarinig ako ng mga hikbi kaya napa lingon ako.
Nagtama ang mata namin ni Jade. Nasa
gitna siya ng mga babae. Karamihan dito mga bata pa. Nagiiyakan ang mga ito umusod ako sa sulok. Maya maya bumukas ang pintuan.
"O marami rami ang na kuha niyo ngayun ah!" Sabi ng babae na pumasok. Tiningnan ko siya. Hindi niya ako napapansin kasi nasa sulok ako. Tumawa ang lalake na nasa tabi niya. na Luther ang pangalan.
"Hmm! Matutuwa nito si Mr Ortegas" Sabi uli nito saka sila nagtawanan.
"Madam! Paano ang isa na nasa cabin kasama ba yun?" Tanong nung lalake na dumating,
"Dispachahin na yun pagdating dun." Sabi nito sa lalake.
"Kawawa naman yun. Ang ganda pa naman parang anghel. Natatakam ako dun kaso ayaw mong ipagalaw eh." Sabi nung Luther.
"Sira Ulo. Gusto mo yatang malintikan kay Boss. Kung hindi lang pakealamera yan hindi niya sasapitin yan." Sabi nito. Saka umalis na sila.
"Sino naman kaya ang nasa Cabin?" Tanong ko sa sarili ko. Maya maya naramdaman na namin ang pag andar ng sinasakyan namin. Nakatulog ako habang nasa biyahe kami.
Nagising ako sa hiyawan sa paligid ko. Nakita ko na isa isang hinihila ang mga babae palabas. Nagkatinginan kami ni Jade. Saka kami sumunod sa mga babae.
Pagbaba namin nakita namin na may sasakyan na sumalubong sa amin. Isa isa kaming pinapasok dito. Saka tinakpan ang mga mata namin.
Matagal din ang naging biyahe namin, saka kami pinababa sa sasakyan at pinasok sa isang silid. Tinangal na nila ang mga takip namin sa mata. Binihisan kami isa isa at inayusan.
"Eto na. Makikita na namin kung sino sino ang mga narito." Pinasok kami sa isang kwarto. Maya maya may mga pumasok na mga lalake kasama ng Luther. Mga taga ibang bansa sila. May mga kasama pa itong translator.
"Get ready!!"
Rinig kong sabi ni Madam. Nagkatinginan uli kami ni Jade, saka humanda.
"Boss yung isa daw na yun ang gusto ni Master." Sabi ng lalake. Na bigla lang pumasok. Tinuro nito si Jade. Napa tingin ako kay Jade.
"It's okay!"
Bulong nito na narinig namin.
Tumango ang Luther. Kaya lumapit ang Isang lalake Kay Jade saka kinaladkad si Jade.
Lumabas na ang mga naguusap naiwan ang dalawang armado sa pintuan. Iyakan ng iyakan ang mga kasama ko. Maya maya. May narinig kaming kaguluhan sa labas.
"Nandito na kami sa loob!"
Sabi ni Michael. Kaya tumayo ako napa tingin sa akin ang bantay.
"Stop! dont move." Sabi ng isa sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Kaya tinutukan ako ng baril tinaas ko ang kamay ko.
"i can Pee" Sabi ko na kunyari naiihi. Nagkatinginan ang dalawa. Kaya nagpatuloy ako sa paglapit sa kanila. Tumango ang isa. Paglapit ko sa kanila mabilis kong siniko ang isa sabay agaw ng armas na hawak nito. Nag tilian ang mga babae. Saka ko tinutok sa dalawa. Na tigilan ang dalawa kikilos sana ang isa pero mabilis kong hinampas sa mukha ang dalawa kaya bumagsak na walang malay ang mga ito. Kinuha ko ang bala at mga armas nito. Saka senenyasan ko ang lahat na tumahimik. Kaya nagsitahimik ang mga ito. Sinabit ko ang isang armas sa balikat ko. Saka dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Pagbukas ko na gulat ang bantay sa labas kaso mabilis kong ginilitan ang mga leeg nila saka ko hinila isa isa papasok.
"Nasan na kayo hawak kona ang mga babae." Sabi ko.
"Nandiyan na kami sa location mo." Sabi ni Kay.
"Si Jade nakita niyo naba siya?"
Tanong ko sa kanila. Kasi kanina ko pa tinatawag ito hindi sumasagot.
"Ayos lang ako." Biglang singit nito.
"I need your help here. There's a blooded woman here.!" Sabi ni Jade.
"Kami na ang pupunta dun ilabas niyo na
sila." Sabi ni Don. Tumango ako.
"Copy"
Sabi ni Michael. Inalalayan na namin ang mga bihag na makalabas bago pa dumating ang rescue nila.
"Mission accomplished!"
Sabi ni Madam sa kausap niya. Na sigurado akong may katungkulan sa gobyerno. Pagkapasa namin sa mga bihag sa kanila.
"Good job Madame, hindi ka talaga nagbabago." Sabi nito. Nakikita namin sila sa monitor. Kagaya ng dati si Madam Veron lang ang humaharap sa kanila at ang ilang tauhan namin.
"Good job agents mission accomplished!" Sabi ni madam ng nasa safe house na kami.
"Sa ngayun pwede na kayong magbakasyon ng ilang araw. Taatawagan ko na lang kayo kung may bagong mission tayo." Sabi niya sa amin. Saka binigay sa amin ang tagiisang sobre. Masaya kami ng lumabas sa office niya.
"Ahhm! Gabby maari kabang maiwan may pupuntahan tayo sandali." Sabi ni Madam tumango ako. Nagpaalam na sila sa akin. Tinanguan ko lang sila.
"San po tayo pupunta Madam?" Tanong ko habang naglalakad kami.
"May ipapakita lang ako sayo." Sabi niya. Napakunot ang noo ko magtatanong pa sana ako. Kaso napansin ko ang lugar na tinatahak namin.
"Papunta ito sa infirmary ah!" Bulong ko na nagtataka.Huminto kami sa isang pinto.
"Oparating room?"
Sabi ko na biglang kinabahan. Saka tumingin kay Madam Veron. Humarap ito sa akin.
"Kung ano man ang makikita mo sa loob lakasan mo ang loob mo. Tandaan mo na nandito lang kami" Sabi niya. Mas lalo lang akong kinabahan. Nalilito ako, magsasalita pa sana ako kaso tinulak na nito ang pintuan. Pumasok kami sa loob. Nakita ko na nasa loob sila Jade at Jess mukhang hinihintay ang pagdating namin. Nakatingin ang mga ito sa akin, nagkatinginan kami saka dumako ang mata ko sa harapan nila. May nakatalokbong ng kumot na puti. Inalalayan akong lumapit ni Madam wala sa sarili akong lumapit dito. Hindi inaalis ang mata sa higaan habang palapit ako lalong lumalakas ang t***k ng puso ko. May pakiramdam ako na may Hindi maganda akong makikita.