"Kaya pala wala kaming makuha na inpormasyon tungkol sayo kasi binura nila ang pagkakakilanlan mo, tapos sa military naman secreto ang pagkatao niyo." Sabi ni Michelle. "Pero paano yun may asawa ang kapatid mo kung magpapangap ka na siya hindi ka kaya mahuli eh ni boyfriend nga wala ka eh" Sabi ni Don napaisip ako sa sinabi niya. "Saka ko na lang proproblemahin yun, ang mahalaga malaman ko kung anong nangyari sa kapatid ko maaring may kinalaman ang asawa niya dito." Sabi ko habang nagiisip. "Malaking posibilidad na may kinalaman siya. Tingnan mo ni minsan hindi tumawag ang asawa niya sa pamilya mo para kumustahin ang kakambal mo." Sabi ni Michelle habang tinitingnan ang record sa computer. Lalo lang akong nakaramdam ng galit sa asawa ng kapatid ko. Naikuyom ko ang kamao ko habang tini

