I was just entirely looking at him. Ramdam ko ang kaba pati ang nag-aalalang tingin sa akin nina Amelie at Rose. I smiled at them to assure them I’m okay. I should be. Kahit pa paulit-ulit na sinaksak ang puso ko na makita silang dalawa na tila ba masaya, na tila ba sila hanggang dulo ay nanaisin kong magpanggap na masaya para sa kanila. They looked happy. So beautiful. Bagay na bagay silang dalawa. It was as if they were made for each other. The way his hand slid to her small waist, the way he protects her from the crowd was enviable. It was something I didn’t get to experience when we were together. Hindi ko napigilan hilingin na sana ay ako na lang siya. “Zuri...” Mariin ang paghawak ko sa baso. Hinawakan ni Rose ang aking kamay, pilit kong kinalma ang sarili. Binitawan ko iyo

