Napahilamos siya roon. Tanaw ko ang irita sa kaniyang mukha. He doesn’t want to talk about it. Pero gusto ko... Gusto kong pag-usapan iyon. I waited for him! Gusto ko sa kaniya ko ibigay ang sarili ko. Nagpigil ako ng ilang taon. Pinigilan kong ibugaw ang sarili sa iba dahil gusto ko si Flynn lang. Kahit pa nga naging interesado ako sa ibang lalaki, hindi ko rin tuluyan pinatulan dahil sa kaniya. But this... I don’t know. Tila immune na ang puso ko sa sakit. Tila nagsasawa na rin ako sa pagmamahal na mayroon ako sa kaniya. Sooner of later, I’d slip. And I won’t regret it. Gusto ko na rin makawala sa kaniya. “Noong naghiwalay tayo, I was really devastated. You had your reasons and I understand it pero ngayon, hindi ko na alam. Pagod na pagod na talaga ako, Flynn. Mahal mo ako pero nag

