Everything feels like a dream.
Pakiramdam ko nasa alapaap ako simula nang dumating ako sa isla. Ibang-iba ito sa buhay na kinagisnan ko sa syudad. It was as if this was the life I've been missing since day one. A life filled with silence I never got to experience when I was in my Aunt's house.
Elysian Island.
Maliit lang ang isla na iyon. Some houses were made in woods, a lot of boats were lining up on the shore, waiting for the sea to calm down so people could go fishing. Some were waiting for a tourist they could take in the island itself.
Noong una ay naninibago ako sa ingay ng dagat. Gabi man o umaga. There were nights that I couldn't sleep because of fear. Paano na lang kaya kung biglang tumaas ang tubig?
But then, I've learned to adjust for almost a month of living on the island.
It was hard at first. Since I got that job, I need to do all the work. Kailangan ko pang tumawid ng dagat para pumunta sa tiange upang bilhin ang mga kailangan. Isang beses sa dalawang linggo at mabuti na lang ay may nagmamagandang-loob na tumawid upang hatiran kami ng sariwang isda.
"Zuri, finish your work and come with me."
Mula sa canvas ay umakyat ang tingin ko sa nagsalita. Pero bago pa man magkasalubong ang tingin namin ay mabilis na siyang umalis.
I sighed deeply and stared at my work.
I've been painting for days but I still haven't finished my art. Tuwing Sabado ng umaga ay nagpipinta ako sa harap nang malawak na karagatan. The atmosphere was perfect, seeing the azure spreading on the horizon and the calm waves of the ocean as I weave.
It was beyond perfect.
Kaso hindi naman ako pinapatahimik ng boss ko.
"Zuri," he called again when I didn't move. "Ligpitin mo na 'yang mga gamit mo at sumunod sa 'kin."
Malalim akong humigit ng hininga. "Opo... Susunod na po, sir."
"Good," he said.
With that, he left. Nakasimangot akong niligpit ang mga materyales at sumunod na sa kaniya.
My boss has always been the strict boss. A perfectionist and I won't deny the fact that I always made a mistake which he eventually forgave. Iyon ay pagkatapos niya akong pagalitan na naiintindihan ko naman. Minsan nga lang ay naiinis ako sa pagiging perpekto niya pagdating sa trabaho.
Siguro kasi tumanda na siya pero wala pa ring kasama sa buhay. He was ten years older than me and I haven't seen him with anyone else.
Wala naman akong pakialam doon pero sa tingin ko ay dahil sa katotohanan na iyon kaya siya nagsusungit.
Muli akong sumimangot.
Tapos sa akin niya binubunton ang pagiging abala niya.
"Free ka ba mamaya, Zuri? May pagsasalo na magaganap sa kabilang dako paglipas ng araw," ani ng kakilala kong nakasalubong ko sa daan.
Sumulyap ako sa likod ng amo ko bago siya binalingan ng tingin.
"Titingnan ko, Rey. May pinapagawa lang si Sir Niel.”
Tiningnan niya ang mga dala kong gamit. Pati siya ay sumulyap sa papalayong rebulto ng amo ako.
"Sabado ngayon, ah. Dapat nagpapahinga ka ngayon, e."
Inabot niya ang mga iyon kaya hinayaan ko siyang bitbitin ang isang bag na puro pintura at brushes. Dala niya rin ang aking easel samantalang iyong canvas naman ang bitbit ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Ilang linggo ka na niya inaalila, Zuri. Dapat mag-resign ka na't lumipat sa iba. You should complain about it.
Umiling ako. "Hindi naman mabigat ang trabaho ko, Rey. I literally just print all the files he needed for work. Do some readings and other than that, nothing."
"But he should respect your time. You work for him every weekdays only but your weekend is yours."
Ramdam ko ang irita sa kaniyang boses.
It's always been like this. Naiinis din ako sapagka't ang oras na sana ay para sa akin ay napupunta sa trabaho. Pero wala naman akong magagawa.
My boss helped me since day one. He gave me shelter and food to eat. Lahat naman iyon ay may kapalit at iyon ang trabaho ko. But with all my minimal work under him, the things he gave were too much actually.
Before I decided to flee, I looked for a job available on the island and Sir Niel offered me one. He's the owner of the famous club in Elysian Island and it was bombarded with tourists and locals every night.
If it wasn't because of him, I would've been wandering around with nowhere to go.
"Rey..." Bumuntong hininga ako. "I'm fine, okay? Hindi mabigat ang trabaho ko at isa pa, hindi naman ito lagi."
"Pero..." Tumingin siya sa akin na may gitla sa kaniyang noo.
I smiled at him. "Titingnan ko mamaya kung makakadalo ako. I'll just text you once I finished working."
Hindi siya kumbinsido pero hindi na lang din nagsalita.
Reynaldo is now a good friend. Simula nang dumating ako sa isla ay inalalayan na niya ako. I appreciate his concerns for my well-being but sometimes I just wanted to smack him for overreacting.
Ilang beses na rin niya akong pinipilit na lumipat na lang sa iba. Specifically to work with him but I can’t just leave my boss without a valid reason. Hindi naman talaga mabigat ang trabaho ko. There were days that I did nothing but sit on my office chair and yet, he still gave me my full salary.
“Dito na lang, Rey. Salamat sa paghatid,” sambit ko nang nasa harapan na kami ng cabin.
“No worries. Text mo na lang ako kung pupunta ka o hindi.”
Tumango ako. “Yup. Salamat.”
He just nodded before leaving. Pumasok na ako sa loob at nilapag ang mga gamit ko sa sala.
The cabin is small but enough for me. I have my own kitchen and a mini bathroom. Pagbukas ng pinto ay ang medyo may kalakihan kong kama agad ang sasalubong. Katabi nito ay ang aking mini desk.