“KUNG AKO kasi sa iyo, magsasalita na ako,” tudyo sa kanya ni Eve. “Ilang araw na kitang napapansin. Palaging malayo ang iniisip mo. At hindi ganyan ang ekspresyon na inaasahan kong makikita ko sa iyo. You are supposed to be excited. Hindi ba, ikaw na ang nagsabi sa akin, sarado na ang deal ninyo ni Art Monterubio para makapaglagay ka ng travel agency sa chain of hotels niya?”
“Yes,” sagot niya. Nilaro niya ang pinakabagong display ng wedding bouquet sa showroom ng Romantic Events. Ayon kay Jenna na assistant ni Eve sa shop ay kade-deliver lang niyon mula kay Scarlett. At talagang maganda dahil mukhang nag-coordinate na naman sina Julianne at Scarlett para maging magkaterno ang design niyon at ng gown na gawa mismo ni Julianne.
“Nangangarap ka ba na ikaw na ang susunod na magsuot ng wedding gown?” may panunukso pero seryoso ring tanong sa kanya ni Eve. “Bagay sa iyo iyan. Alam mo naman si Julianne, kahit kailan ay hindi tayo mapapahiya sa mga creation niya.”
Umirap siya. “Ano ka ba? Naranasan ko nang magsuot ng wedding gown. Hindi ko na ipagtatanong ang pakiramdam.”
Umikot ang mga mata ni Eve. “Oo nga pala. And if I remember it correctly, your wedding was named wedding of the year. Sa San Agustin Church ka ikinasal, hindi ba? At sa Manila Yacht Club ang reception. And the who’s who in the business world were present. At hindi lang iyon. Mismong si Lucio Tan ang isa sa principal sponsors ninyo.”
“That was eight years ago.”
“Yes, eight years ago at puwede ka nang magpakasal uli kung gugustuhin mo. Sa ibang lalaki siyempre dahil nga wala na si Edsel. Nicole, hindi mo ba pinag-iisipan ng seryoso ang bagay na iyan? Thirty-one ka pa lang. You can easily build another family. And I’m sure, kung marami man ang gunggong na nag-aalok sa iyo ng indecent proposal, mayroon din namang matitino na kasal ang mismong iaalok sa iyo.”
“Tell me, Eve, kung halimbawa bang may mag-a-approach sa iyo para gawin kang “baby maker,” quote unquote, matino ba iyon o indecent proposal?”
Tinitigan siya ni Eve. “Nagbibiro ka ba?” tanong nito na hindi niya mababakas ang anumang ekspresyon sa mukha.
“What if I’m serious?” ganting-tanong niya.
“If you do, papayag ka ba?” sagot nito, patanong din.
“Paano kung gusto kong pumayag?”
Binitiwan ni Eve ang ball pen na hawak, sinalo nito ang baba at bahagyang dumukwang saka siya tinitigan uli. “Gusto mong pumayag?” she asked slowly.
Napahinga siya. Inisip kung kailan matatapos ang pag-uusap nila na iyon na puro naman tanong ang ibinabato sa isa’t isa.
“Honestly speaking, I’m considering,” marahang sagot ni Nicole.
Hindi sumagot si Eve, nanatili lang ito na nakatitig sa kanya.
“Mali ba iyon?” she asked again.
“Kung para sa akin? Mali,” prangkang sagot nito. “I have two wonderful kids, Nicole. Dalawang beses kong naranasang manganak. I felt the joy of motherhood and anticipation in two different yet fulfilling ways. Hindi ko kayang isipin na ipapamigay ko ang kahit isa sa mga anak ko. Ganoon ang mangyayari sa iyo, hindi ba? You are just going to bear the child. Pagkatapos mong iiri, iba na ang mag-aalaga at magpapalaki. Tapos na ang silbi mo.”
She cringed at her last sentence. Tapos na ang silbi mo. In the first place, wala naman talaga siyang silbi. Baog siya.
“Career-woman ako, Eve. Kahit kailan, puro negosyo ang nasa isip ko. Even if I agreed to that proposition, negosyo pa rin iyong lalabas. I will be paid.”
Biglang natapik ni Eve ang mesa. “That’s outrageous!”
Kaswal siyang ngumiti. “But it’s true. When I agree, a down payment will be put in my account. And if I happen to conceive, a certain amount of money will be added at siyempre mayroong full payment after I give birth.”
“Ilang taon na kitang kaibigan, Nicole. Hindi ganyan ang pagkakilala ko sa iyo,” malumanay na wika nito, tila sarili ang mas kinakausap kaysa sa kanya. “Hindi ko magagawang maniwala na kaya mong gawin iyan dahil lang sa pera. You have a lucrative business. At ang totoo, kahit nga hindi ka magtrabaho ay mabubuhay ka pa rin nang maayos. Edsel was rich. Hindi lang basta pera ang iniwan niya sa iyo kung hindi kayamanan.”
“Yeah, I’m rich. Thanks to Edsel. Pero paano kung may ganito ngang pagkakataon na magkakapera ako nang malaki? Hindi ba, impractical namang palagpasin ko ang oportunidad?”
“Magkano ka babayaran, Nicole? Isang milyon, tatlong milyon, limang milyon?”
“Ten M,” kaswal na sabi niya. “I won’t earn that money in a year’s time. At ang totoo, kahit naman hindi ako mabuntis, iyon pa lang pagpayag ko, dalawang milyon na agad ang magiging pera ko.”
Magkalapat ang mga labi na tinitigan siya nito uli. “Hindi ka mukhang pera, Nicole,” she said flatly. “Hindi ko makakalimutan ang maraming pagkakataon na hindi baleng halos wala kang kitain sa mga package deals para sa honeymoon ng bagong kasal basta lang maranasan nila na magkaroon ng honeymoon. There should be some other reason. Pero imposibleng pera. Maybe you are in love with that man kaya gusto mong pumayag.”
Siya, in love kay Artemis? Of course not! Attraction, that’s more exactly she wanted to put it.
She made a sigh. “It’s been five years, Eve. I must admit, there are things that I badly miss no matter how I wanted to forget it.”
“s*x?” diretsong wika nito.
“Yes. And there’s more than that, I think. I want to feel how to be hugged again. Not passionately but just the feeling of someone who will close his arms around me. I miss the warmth of someone else’s embrace. I want to be cuddled.”
“Then find yourself a boyfriend.”
“I don’t want a long-term relationship.”
“Pero iba ang konsekwensya ng papasukin mo, Nicole. Anak mo din ang magiging bayad niyon. Kahit bayaran ka ng pera, hindi niyon mababago na dugo at laman mo rin ang ibibigay mo sa kanya pagkatapos ng usapan ninyo. Would you trade your child for, let’s say, a whole month of hot, passionate nights of c****x?”
“Paano kung hindi naman pala ako magkakaanak?”
“Bakit naman hindi? That would be the purpose of your deal.”
“Hindi kami nagkaanak ni Edsel, Eve.” Lumungkot ang tinig niya. “Sa mahigit na tatlong taon na nagsama kami, ni hindi na-delayed ang period ko.”
“Hindi lang siguro kayo nakatiyempo.”
“I’m sterile,” she said painfully.
Eve’s eyes focused on her. Ilang sandali na namayani ang katahimikan. At nang sa huli ay siya rin ang hindi makatiis, bahagya siyang tumango para kumpirmahin pa ang sinabi.
“That’s the harsh truth, Eve,” aniyang nabasag ang tinig. “Kahit kailan, hindi ko mararanasan ang maging ina. Iyon din ang dahilan kung bakit pinili kong itutok ang lahat ng oras ko sa trabaho. Ano pa ang silbi kung mag-aasawa ako uli kung hindi rin naman ako magkaroon ng kumpletong pamilya?”
“Nicky, may mga lalaki na sobrang magmahal. They would overlook your flaw.”
Napailing siya. “I was guilty in my husband’s death. Nang gabing iyon na umuwi siya noon niya nalaman na hindi na kami magkakaanak. Alam ko, iyon din ang dahilan kaya siya naglasing. Kung sana, hindi siya lasing noon, hindi siya maaksidente sa banyo. Eve, ibang usapan na iyon. Hindi basta flaw ang pagiging baog. Dakila ang lalaking magmamahal sa akin kahit hindi ako magkakaanak. At hindi na ako umasa pa na makakatagpo ako ng ganoong lalaki.”
“Kaya naman gusto mo nang pumayag sa alok ng kung sinumang lalaking iyan na nangangarap magkaanak?”
“No strings attached ito, Eve. After an agreed period of time na hindi ako mag-conceive, we’ll go part ways. Walang sisihan.”
“Pero parang manloloko ka na rin sa gagawin mo, Nicole. Pardon me for saying, pero alam mo nang hindi ka magkakaanak. At iyong isa, umaasa naman na kaya mo siyang bigyan ng anak. ”
“N-naisip ko lang kasi, this is the only way to have what I wanted, what I miss in my life.”
“There are other ways, Nicole.”
“Ayokong makipag-boyfriend. I told you, I don’t want a commitment dahil hindi ko rin naman maibibigay iyong isang bagay na ninanais ng isang lalaki na gustong magpamilya. And I don’t want to casual relationship either. Hindi ko gustong mabatikan ang magandang imahe ko.”
“How can you be so sure? Paano kung kiss and tell din pala ang lalaking nag-aalok sa iyo ng ganyan?”
“I trust him to be discreet. After all, secrecy rin naman ang nais niya alok niyang iyon. Eve, please tell me that you understand me. This is the most convenient way for me.”
“For you to have a s*x life, no matter how short the time will be.”
“Please, Eve, I need someone who will tell me that what I’m going to do isn’t wrong.”
“All right, kunwari ay isa akong feminista. At ang karaniwan nilang sinasabi, basta alam mong wala kang sinasagasaan, wala kang sasaktan, at hindi ka pinipilit sa nais mong gawin, then do it.”
Hindi niya napigil na napangiti. “Napaka-scripted naman ng sinabi mo, Eve.”
“But it’s the same, Nicole. Ihihiwalay ko na lang ang sarili kong pananaw. Besides, it’s also true that every one of us has the right to decide what we want to do in our lives. You have your own mind, Nicole. Konsensya mo naman ang mas magdidikta sa iyo kung ano nga ba ang dapat mong gawin. I don’t want to condemn you and I’m not going to. Naiintindihan ko rin ang pangangailangan mo. I just wish na sa desisyon mo na iyan, sana nga hindi ka nagkakamali.”
“Thank you. Eve, hindi mo ba itatanong sa akin kung sino ang lalaking iyon?”
“Maybe somebody who got your attention. Dahil hindi ka magde-decide ng ganyan kung hindi ka attracted sa kanya. Now, you are asking me kung bakit hindi ako nagtatanong kung sino iyon. Kung itatanong ko ba, sasabihin mo sa akin?”
Umiling siya.
Napatawa nang mahina si Eve. “Just what I expect, that’s why I’m not asking.”