Bigla niya akong hinatak at pinigil ko pa sya pero malakas sya kaya nagpatianod nalang ako.
Naman!
"Boss saan mo'ko dadalhin?" Tanong ko habang hinihila niya ako.
"Shut up." Kalmadong sabi niya. Huminto kami sa harap ng sasakyan at pinagbuksan ako.
"Pero, teka! Yong kotse k-" natahimik ako ng sinara niya na ang pinto! Ang batos! Kainis!
Hindi nalang ako nagsalita at kibakabahang nakaupo sa kotse niya.
"Don't be nervous, I wont eat you," napahinga naman ako ng maluwag. Eat daw hahaha
"Saan tayo boss?" Tanong ko. Feeling close ako eh no!
"To my parent's." Nanlaki naman ang mata ko! Ano!
"ANO!!" Napabusina naman siya bigla sa sigaw ko.
"The heck! Don't shout," sabi niya sakin kaya pinalo ko ang sariling bibig ko.
"Sorry boss," sabi ko.
"Don't call me boss, call me honey," nagtaka naman ako at tinignan siya at nakangiti lang siya.
"Huh? Honey pangalan mo?" Tanong ko at tumango lang siya.
Ang weird! Honey? Seryoso? Kalalaki niyang tao tapos yon ang pangalan niya? Joke! Ang matso pa niya ang gwapo, matitipuno ang dibdib, sobrang pinag-isipan ng magulang niy- teka? Speaking of magulang!
Waaaaaah! Lord tulong po!
"We're here." Nagdadagundong naman ang puso ko.
"B-bos- I mean honey a-no ang gagawin ko? Bakit ba kasi dito tapos pa bigla bigla pa," sabi ko na halatang kabado. Bumaba na siya at pinagbuksan ako.
"Just pretend that you're my girlfriend." Hala patay! Pano?
"Teka teka tek-"
"Hi son," may magandang babae na sumalubong sa kanya.
"Hi mom,"nag beso sila at tinignan naman ako ng mommy niya na parang nandidiri sakin.
"Is she your cook?" Napatingin naman ako sa suot ko. Sabi na eh! Nakapang restaurant attire pa ako!!
"No mom, she's my girlfriend," nakita ko namang nagulat siya.
"A-ah no. Hind-"
"Ow! Come on hija, let's go inside," lord tulong
Tinignan ko naman si boss, at tinaasan niya lang ako ng kilay! Sungit!
And that's it. I pretend to be his girl, damn this guy.
Well, the night went smooth I just utter some words and he'll just explain the rest, syempre plano na yan diko naman alam bigla nalang naghahatak gago. His mom was very kind so much and I feel so calm eating with them, his father was out of town that's why he's not around. This is what I wanted to be my-- nothing.
Weeks had passed simula nong nakilala ko ang siraulo kong boss na inaway-away kopa. Ang bait ko diba? Anyway, minamalas ako ngayon dahil nasira yong kotse ko.
Dinala ko na sa talyer at babalikan ko nalang mamayang uwian kaysa wala akong gamitin sa mga susunod na araw.
"Gosh! Ang layo pa ng restaurant dito," reklamo ko dahil kanina pa ako naghihintay ng taxi at walang nagpapasakay dahil may mga sakay sila! Dobleng malas diba?
"PPPEEEEEPPP!" napapikit naman ako sa takot. s**t! Kinapakapa ko ang katawan ko tsaka mukha ko.
"My gosh! Buhay pa ako!"
"Miss, pweding tumabi ka sa daan, kitang may sasakyan na paparating eh." Umakyat naman lahat ng dugo ko sa bwesit na driver nato! Unti-unting tinignan ko sa at parang may pulang awra na lumulutang sa katawan ko dahil sa galit.
"Ikaw ba yong nagmamaniho?" Pa sweet na tanong ko, tumango naman siya.
"Ahh ganon ba? ALAM MO BANG MUNTIK NA AKONG MAMATAY HINAYUPAK KA! PANO KONG NABANGGA AKO HA? MAYPAMBAYAD KABANG PANG OSPITAL KO!? MARAMI AKONG PINAPAKAIN NA PAMILYA KO, MARAMING NAGHIHINTAY AT NAGMAMAHAL SAKIN, TAPOS SASAGASAAN MO LANG AKO! SALAMAT KAY LORD AT NILIGTAS NIYA AKO!!" Bulyaw ko at huminga ng malalim.
"Yun lang ang sasabihin ko kuya, salamat sa pakikinig, paalam!" At naglakad na ako paalis sa daan. Umagang-umaga nakakaasar!
Two hours na akong late! Seriously? Kailanman hindi pa'to nangyari!
Naghihingalong pumasok ako sa back door at napatingin silang lahat sakin.
"Sor *breath* ry, late *breath* ako, pasensya na *breath* na talaga!" Habul ng hininga kong sabi. Ikaw ba naman tumakbo ng sobrang bilis, tapos malayo-layo payon.
Natigilan naman ako ng makita ko ang takot sa mga mukha nila.
"Anong nangyari sa inyo? Para namang may tigreng lalapa sa inyo!" Sabi ko na may ngiti pa at napalapit naman sakin ni Coleen bigla-bigla.
"Talagang may tigreng lalapa samin kong hindi kapa dumatibg girl! Pumunta ka kay manager dali!" Nagtataka man ako pero lumabas nalang ako dahil tinutulak na ako ni Coleen.
Patay ako ni manager nito!
"Manage- honey?" natigilan naman ako ng makita ko siyang nakaupo sa swevil chair ni manager.
"Why are you late?" Nakataas kilay niyang tanong.
"A-ah, k-kasi ano ahm, kas-"
"MAY USAPAN TAYO DIBA!" napasinghap ako ng palihim sa pagsigaw niya.
"Hindi mo naman kailangang sumigaw!! Naaalala ko okey, eh nasiraan ako ng kotse tapos tinulak ko pa papuntang talyer na pagkalayolayo, tapos wala pa akong masakyang taxi dahil may pasahiro lahat! Tapos nilakad ko pa papunta dito and then theres a car na muntik na akong mabangga! Ngayon sabihin mo sakin kong bakit ako natagalan?!" Bulyaw ko sa kanya at huminga pa ako ng malalim dahil dire-diretso ang pagkasabi ko.
Walang emosyon naman siyang nakatingin sakin.
"Follow me." Hindi naman makapaniwalang tinignan ko siya hanggang sa makalabas siya ng opisina. Seriously? That's it?
Nagdadabug naman na naglakad ako at pumasok sa ketchen.
"Musta Mikaela?" Napabuga naman ako ng hangin sa taning ni Jerome at hinihintay nila ang sagot ko.
"Ewan! May dalaw yata ang boss natin, sige alis lang ak- kami pala, sorry guys." Tumango lang sila at lumabas na ako dala ang packbag ko.
Asan na yong beast mode na unggo-
"AY TSANAK!" napatalon naman ako sa gulat ng biglang pomreno ang kotse sa harapan ko. Bwesit!
"Get in!" Ay! Asar! Yaman ha! Paiba-iba ng kotse.
Pumasok na ako sa kotse niya at hindi nagsalita.
Kung hindi ka babalik sa pamamahay ko, wag ka nah magpakita kahit kailan!
Mabuti nayon ng wala kami g pilroblemahin! Tutal malaku kana! Mabubuhay mo na ang sarili mo!
Payo ko lang sayo! Na hindi mo sana pagsisihan na umalis ka sa poder ko! Poder namin ng mommy mo!
Sabi yang ng magaling kong ama sakin nong isang linggo sa tawag. Oh diba ang supportive nila? Supportive na paalisin ako!
Talagang hindi ko pagsisisihan na ualis ako sa poder nila! Tama sila kaya ko namaag buhayin sarili ko kahit wala sila, sana noon pa nga ginawa ko na! Kaysa naman pinakinggan ko pa ang mga walang kwentang sinasabi nila! Nagbuntong hininga nalang ako sa mga bagay na naiisip ko patungkol sa magulang ko!
If they think they don't deserve me then whatever! I don't deserve them as a parents too. Think about this! May magulang ba na papayag na hindi makita ang anak? May magulang ba na hahayaan lang ang anak na unalis ng hindi nagpapaalam? Sa bagay ganon nga sila! Ni hindi ko nga narinig sa kanila na kinumusta nila ako mga bagay pa kaya na yon! Tss -_-
Napahawak naman ako sa pisngi ko ng may basang likido na dumaloy mula sa mga mata ko.
"Stop crying! That won't help you! If you're hurt then keep it in your own! Don't let other people know about your weakness or your damn tears!" Madiin na napapimit ako sa malumanay na pagkasabi ni honey.
"Honey?"
"Yeah?" Nagbuntong hininga naman ako.
"Salamat." Sabi ko at sumulyap siya sakin tapos balik sa daan ang tingin.
"Don't say thank you to me, baka pabayaran ko sayo lahat," ano?
"Ha?"
"Thank you for me is a price, the more you say Thank you, the more pababayarin kita. Better sign or whatever just don't say it."