Isang linggo na ang nakakalipas at nakabalik na kami sa manila. "Goodmorning Mik.." napatingin naman ako kay coleen ng bumati siya at nginitian ko lang siya. Nakakatamlay. Ewan! Sa rami ba naman ng nalaman ko? Yong totoo niyang pangalan, ang tanga ko kasi! Naniwala agad ako na yun talaga ang pangalan niya! Diba? Tapos yong KASALAN thingy? MAS nakakatamlay! Feel ko lang kasi na, kasal kasalan lang para maligtas ang kompanya ng magulang ko tapos pag naligtas na pwede ng mag divorse diba? Magaling! Araw araw akong tinetext ng nanay ko kong nagbagi na ba daw ang isip ko? Papayag ba daw ako? Gusti ko na ba daw makilala si Future husband Tss. Nakilala ko na kamo -_- "Okey ka lang ba?" Tanong niya at lumapit sakin. "Oo naman, bakit hindi? Tsaka bakit wala dito yong bebe mo?" Pangaasar ko.

