CHASING MY PROFESSOR EPISODE 62 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. NAHIHILO at nasusuka ako ngayon. Hindi ko na matandaan kung ano ang kinain ko kagabi dahil sa isang restaurant kami ni Gabriel kumain na may eat all you can. Actually ay ako ang pumili na doon kami kumain kagabi dahil gutom na gutom ako at gusto kong kumain ng madami at agad naman na sumang-ayon si Gabriel dahil nagutom din siya pagkatapos ng pag-uusap namin ni Gabriel tungkol kay Kate at tungkol din sa pagbubuntis nito. Nawala ang sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib at simula ngayon ay hindi na rin ako magseselos. Inaamin ko na nadala ako sa sobrang selos kahapon kaya nasigawan ko sa phone si Kate Hudson at hindi kaagad ako naniniwala sa explanation ni Gabriel. Gusto ko ngang makita si Kate at makausap upang makahingi ng p

