CHASING MY PROFESSOR EPISODE 43 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “BAKA wala namang malisya sa post ni Kate, Lucianna. I’m sorry, nag o-overthink ka tuloy ngayon ng dahil sa sinabi ko.” Muli akong napatingin kay Chantal nang sabihin niya iyon. Bahagya akong ngumiti sa kanya at umiling. “It’s okay, Chantal. Wala ka namang kasalanan. Nagpapasalamat ako dahil sinabihan mo ako tungkol dito,” sabi ko sa kanya. Tumango naman si Chantal at ngumiti. “Thank you, Lucianna.” Inalis ko muna sa aking isipan ang tungkol sa aking nakita na post galing kay Kate Hudson. Mamaya ko na lang ulit iisipin iyon at uunahin ko muna itong pinsan ko at sasamahan ko na muna siya. She’s been suffering in her injuries at may problema rin siya sa kanyang love life lalo na’t mukhang mahal niya pa rin ang kanyang ex-boyfri

