CHASING MY PROFESSOR EPISODE 53 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. ANG SAYA! Katatapos lang namin mag kayaking boat ni Gabriel at sinubukan din namin ang kanilang bagong bili na jetski. Kami pa lang talaga ni Gabriel ang nakagamit ng kanilang jetski dito sa isla kaya sobrang saya ko kahit na nakasakay lang ako ngayon sa jetski ni Gabriel dahil hindi ako marunong magpaandar at natatakot din ako na baka ay bumaliktad ang sinasakyan ko. “Did you enjoy it?” Napatingin ako kay Gabriel nang magsalita ito sa aking tabi. Nandito kami ngayon sa isang kubo sa tabing dagat, nakaupo at nagpapahinga dahil kagagaling lang namin sa iba’t ibang mga activities sa dagat. Ngumiti ako kay Gabriel at tumango. “Thank you for that, Gabriel. Nag enjoy talaga ako nang sobra,” sambit ko at muling napatingin sa may d

