CHASING MY PROFESSOR EPISODE 58 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. “L-Lucianna….” Mas lalo akong nagtaka nang sabihin niya ang aking pangalan. Kilala niya ako? Sa naalala ko ay hindi ko pinakilala ang aking sarili sa kanya at siya lang ang nagsabi ng kanyang pangalan. Pangalawang pagkikita at pag-uusap din namin ito ngayon ni Kate. Pero bakit niya ako kilala? “Kilala mo ako?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang pamumutla sa kanyang mukha at napalunok din siya sa kanyang laway. “H-Huh? Uhm… you are Isabelle Montenegro Coleman’s daughter, right? I’m a fan of her kasi sa fashion kaya kilala rin kita,” malumanay na sabi ni Kate Hudson at ngumiti rin siya sa akin. Seryoso naman akong napatango habang nakatingin pa rin sa kanya. Bahagya naman akong napanguso sa kanyang hawak na papel na may printed

