CHASING MY PROFESSOR EPISODE 16 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. MAY ka fling si Gabriel at Kate ang pangalan nito. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinabi ng aking pinsan na si Alessandra, pero parang totoo kasi. May babaeng tumawag sa phone ni Gabriel at Kate ang pangalan… may nakita akong kasama niya na babae sa may parking lot sa university at mukhang masaya silang dalawa. Ka-fling lang ba talaga? Huminga ako ng malalim at napahilamos din ako sa aking mukha. Gabriel is one of the hottest professors in Northville International School. Noong magkarelasyon pa kaming dalawa ay marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya at lumalandi kahit na alam nilang lahat na may girlfriend si Gabriel at ako iyon. Hindi maipagkakaila na pogi talaga si Gabriel at dagdag points na ang pagiging palangiti

