CHASING MY PROFESSOR EPISODE 64 LUCIANNA’S POINT OF VIEW. HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ni Gabriel na buntis ako… na magkakababy na kaming dalawa. Ngayon ay nandito kami sa loob ng aking kwarto at nakaupo ako sa may kama at nakasandal sa may headboard habang si Gabriel naman ay nakahiga sa aking kandungan habang nakaharap siya sa aking tiyan. Kanina niya pa hinahaplos ang aking maliit na tiyan at kinakausap. Ako naman ay tuwang-tuwa habang pinapanood siya ngayon sa kanyang ginagawa. “Lucianna, kailan kaya lalaki ang ‘yan mo kagaya nung kay Nica?” tanong ni Gabriel sa akin bago siya nag-angat ng tingin sa akin. Mahina akong napatawa at hinagod ko ang kanyang buhok at nginitian ko siya. “Gabriel, ilang buwan pa bago lalaki itong tiyan ko. Sa ngayon ay hindi pa kasi para

