"Nay, Tay." sambit ko habang nakatingin sa kanilang puntod. Ilang taon na ang nakalipas at ni minsan ay hindi ko nadalaw ang kanilang puntod noong inilibing sila. Wala rin naman akong lakas ng loob para puntahan sila noon dahil naaalala ko ang lahat sa kung paano sila pinatay. Ang pamilya nila Dave ang gumastos ng lahat sa pagpapalibing sa magulang ko. "Nakagraduate na po ako." umiiyak kong sabi habang nakahawak sa diploma ko. Dalawang taon na ang nakalipas ng makagraduate ako sa kolehiyo at ngayon lang talaga ako naglaroon ng lakas na loob na pumunta dito. "Peter ko." sambit ko naman. "Masaya na si Nanay, natanggap ko na nasa heaven ka na. Alam kong masaya ka dyan." naiiyak ko pang sabi at may panyong nagbigay sa akin at kinuha ko iyon. "Andito din si Tatay, pasensya ka na anak kung

