Nakahiga ako habang yakap ni Adam nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad sa amin si Aliah. Ngumiti ito nang makita ako naglakad papalapit sa akin. "Iwan ko muna kayo." sabi ni Adam at hinalikan niya ako sa noo. "Kamusta?" tanong niya sabay hawak sa kamay ko. Nakatingin ako sa kamay naming dalawa at hindi ko maggawang tumingin kay Aliah. Hindi ko alam kung anong sasabihin o paguusapan namin dahil parehas kami ng taong gusto at mahal kaya naman sino ang hindi mapapakali doon. Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang pagngiti niya. "Hindi kita huhusgahan sa ginawa mo." aniya at ang tinutukoy niya ay ang pagpapakamatay ko. "Ang laging paalala sa akin ni Mom at Dad. Ang tao daw ay dumadating sa punto na napapagod o di kaya ayaw nang magpatuloy pero palagi daw nating alalahanin na may t

