Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong may humahalik sa noo ko. Ramdam ko rin na may nakahawak ng mahigpit sa aking kamay. Hindi ko maggawang imulat ang mata ko dahil natatakot ako. Bakit pa ba ako nabuhay ngayon? Dahan dahan kong iminulat ang mata ko nang marinig kong may kumakanta ng paborito kong kanta. KAHIT MAPUTI NA ANG BUHOK KO Kung tayo ay matanda na Sana'y 'di tayo magbago Kailan man, nasaan ma'y Ito ang pangarap ko Makuha mo pa kayang Ako'y hagkan at yakapin, hmm Hanggang sa pagtanda natin Nagtatanong lang sa 'yo Ako pa kaya'y ibigin mo? Kung maputi na ang buhok ko Alam kong maga ang aking mata pero maliwanag pa sa sikat ng araw ang nakikita ko. Na ang taong nakahawak sa kamay ko at humahalik sa aking noo ay si Adam. Muling tumulo ang luha ko at

