Noong nakaraan ay isang linggo kaming magkasama ni Adam. Sa apartment ako umuuwi tulad ng alam niya. Ipinagpaalam ko iyon sa mag asawang San Diego na sa apartment muna ako uuwi at pinayagan naman nila ako. Tatlong araw na kaming hindi nagkikita ni Adam simula noong nakaraang linggo. Ang plano namin ay magdate ngayon. Nagtext kasi siya kanina na wala siyang trabaho kaya pumayag naman ako. Kasalukuyan ako ngayong nandito sa apartment ko at nakahiga. May pasok ako kanina at dito na ako dumiretso dahil nga mag dedate kami ni Adam. Agad naman akong napatingin sa cellphone ko nang tumatawag si Aliah sa akin. Sinagot ko iyon at mula sa kabilang linya ay narinig ko ang boses ni Alden na mukhang kinukilit siya. "Hello!" aniya at nahihirapan siya sa pagsasalita dahil mukhang pilit na inaagaw sa

