CHAPTER 20: HALIK LANG

1379 Words
Lumipas pa ang ilang araw ay hindi ko maggawang maamin kay Adam tungkol sa halik. Ganun pa rin ang turing sa akin ng mga kaklase ko at kapwa estudyante sa school. Binubully ako kapag wala si Adam. Hanggang ngayon ay kinokonsensya ako pero hindi naman ako makahanap ng tiyempo para umamin kay Adam. Papunta ako ngayon sa palengke para bumili ng ulam namin pero bigla akong kinabahan nang alam kong makakasalubong ko si Dave at agad naman akong lumiko. "Patricia!" tawag niya sa akin at mas binilisan ko ang paglayo pero nahabol niya ako. "Lumayo ka na Dave, please lang. Mahal ko si Adam at ayaw kong masira kami." sambit ko at agad kong pinunasan ang luha ko. "I'm sorry, gusto lang sana kita kausapin para makapagsorry ako sa ginawa ko. Last na ito, lalayian na kita. I'm sorry Pat." aniya at inabot niya sa akin ang panyo. Matapos nun ay umalis na rin siya. Hindi ko ginamit ang panyo na bigay ni Dave sa akin sa halip ay agad ko iyon tinapon sa malapit na basurahan. Bumili na ako ng ulam at mabilis na umuwi. Aamin na talaga ako kay Adam kahit anong mangyari. Hindi na kaya ng konsensya ko. "Anak ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Tatay at tumango ako. Hindi ako okay pero ayokong sabihin sa kanila. Ayokong magalala sila ng dahil lang sa problema ko. "Halika dito Patricia." sabi ni Nanay at lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinalapit pero nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. "Alam kong hindi ka okay Patricia, anak. Kung ano mang problema mo ay sabihin mo sa amin. Nagaalala kami para sa'yo. Para saan pa ang pagiging magulang namin kung hindi ka namin tutulungan at gagabayan." paliwanag ni Nanay at niyakap ko na din siya ng mahigpit at naiyak. Kilalang kilala at mahal na mahal talaga ako ng magulang ko. Ramdam nila kung may problema ba ako o wala. Matapos kumain ng tanghalian ay nagpaalam ako kila Nanay at Tatay na aalis ako at kakausapin lang si Adam at pumayag naman sila. Nagtext ako kay Adam na magkita kami mamayang alas-quatro. Ang natitirang oras ko ay pinagisipan ko kung paano ko ipapaliwanag ang lahat kay Adam. Nakakasiguro akong magagalit siya sa akin pero hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nalaman na niya. Hindi ko rin naman ginusto ito. Sumapit ang alas-quatro ay sinundo ako ni Adam. Dumiretso kami sa park na kung tuwing gabi ay nagtitinda kami ng balot ni Tatay. "I miss you Ma'am" aniya at niyakap ako. "I miss you too Adam." sagot ko naman at ginantihan ang yakap niya. Bumuntong hininga ako at nilakasan ang loob. "Adam may sasabihin ako sa'yo." panimula ko at hinintay niya ang sunod kong sasabihin. "Last week kasi Adam nagkita kami ni Dave nang hindi inaasahan at hinalikan niya ako sa labi." halos kulangin ang hininga ko sa pagbanggit nun at unti-unti nanubig ang mata ko. Naglaho ang ngiti sa mukha ni Adam at nakita ko kanyang kamao ngayon na nakasarado at kitang kita ko na galit siya. Tumingin sa akin si Adam. "Tinulak mo ba siya matapos ka niyang halikan?" tanong niya at umiling ako. Sandali pa ay naglandas na ang mga luha ko sa aking pisngi. "Tangina naman! Bakit Pat?" galit niyang tanong sa akin at nakita kong umiiyak na siya. "I'm sorry Adam. Halik lang naman yun eh." pagdadahilan ko pa para pakalmahin siya. "Halik lang Pat pero hindi mo siya naggawang itulak." sbai niya at tumayo siya sabay sipa sa kinauupuan naming bench. "Kung nagsex pala kayo idadahilan mo din sa akin na s*x lang yun. Ano? May nangyari na ba sa inyo nung putanginang Dave na yun?" Lumakas ang iyak ko dahil sa pangaakusa niya sa akin. Hindi ko alam na ganun ang iisipin niya sa akin. "Ano? May nangyari na ba? Mas masarap ba siya sa akin Pat?!" Sa hindi inaasahan ay kusang kumilos ang kamay ko at tumama iyon sa kanyang kaliwang pisngi. "Ganya ba ang tingin mo sa akin? Ganyan ba ako naging karumi sa iyo?" sigaw ko sa kanya. Muli niyang sinipa ang bench na kinauupuan namin. Umalis siya ng tukuyan at iniwan akong mag-isang umiiyak. ... Kinagabihan ay wala ako sa sarili. Matapos naming magusap ni Adam ay nagpalipas muna ako sa park para paguwi ko ay hindi mahalatang umiyak ako. Pagkapasok ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto at doon inyak ang lahat habang yakap yakap ang unan. "Anak!" pagtawag sa akin ni Tatay mula sa labas ng kwarto ko. "Inaantok po ako, mauna na po kayong kumain ni Nanay." sabi ko. "Andito sa labas si Adam, gusto ka daw niyang makausap." "Sabihin niyo po tulog ako at nagpapahinga." sagot ko kay Tatay at matapos nun ay narinig ko ang pagalis niya sa harap ng kwarto ko. Naiyak na naman ako dahil sa nangyari kanina. Niyakap ko ang unan ko ng mahigpit para ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sandali pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko. " Magpapahinga na po ako Nay." sambit ko at pinilit na maging normal ang boses para hindi mahalatang umiiyak ako. Imbes na makinig si Nanay ay naramdaman ko pa ang pagupo niya sa kama ko. "I'm sorry Pat sa nangyari kanina." natigilan ako at agad na lumingon patalikod at bumungad sa akin si Adam. Hindi tulad kanina ay maamo na ang kanyang mukha na nakatingin sa akin. Hinawi niya ang buhok na dumikit sa pisngi ko dahil sa luha. "I'm sorry Pat." paguulit niya pa at pinunasan ang luha ko pero hindi iyon nakatulong dahil mas lalo akong naiyak. Naupo ako mula sa pagkakahiga at niyakap siya. "I'm sorey din Adam." sabi ko pa at ginantihan na rin niya ako mg yakap. ... Akala ko noong gabing iyon ay tuluyan kaming nagkaayos ni Adam pero mukhang hindi. Hindi ko alam, naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Adam. Hindi na siya tulad ng dati. Kadalasan ay nakikita ko na may bahid ng lipstick ang polo niya. Kung hindi lipstick ay may buhok na mahaba na alam kong hindi akin. Tulad na lang ngayon na bahind ng pula na nagpipink ang gilid ng polo niya. Umalis siya kanina at hindi ko alam kung saan pumunta. "Adam." tawag ko sa kanga na ngayon ay hawak hawak ang bag ko. "Ano?" walang enosyon niyang sabi at umiling na lang ako. Papunta kami ngayon sa CR dahil ang sabi niya sa sasamahan niya ako. Pagdating sa CR ay sumandal siya sa pader at sinenyasan ako na doon niya ako hihintayin. Pagpasok sa CR ay may naabutan akong tatlong babae na nasa harapn ng salamin at naglalagay ng makeup at lipstick. Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa mga sarili nila. "Hindi pa rin ako makapaniwala na nakipaghalikan ka kay Adam." rinig kong sambit na sabi ng isa. Naalerto bigla ang tainga ko nang marinig ang pangalan ni Adam. May ibang Adam dito sa school pero hindi ko sire king ang tinutukoy nung babae ay ang Adam na boyfriend ko. "Hindi ba't may girlfriend iyon. Yung Patricia?" mas lalo akong nagulat sa narinig ko at biglang bumigat ang nararamdaman ko. "Wala akong pakialam din sa Patricia. Ang mahalaga ay magkikita kami bukas ni Adam." rinig kong sabi at tuluyan na akong umiyak. Akala ko ay ayos na kami ni Adam pero mukhang hindi talaga. Hinintay ko muna na makalabas yung mga babae tsaka ko napagpasyahan na lumabas. Naghilamos ako ng mukha para hindi masyadong halata na umiyak ako. Paglabas ko ay agad akong sinalubong ni Adam. Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti lang ako. Tahimik kaming pareho ni Adam habang pauwi kami. Hindi na rin kami tulad ng dati na nags-street food. Basta pagkatapos ng klase ay diretso uwi na kaming dalawa. Pagkatating sa bahay ay kinausap ko si Adam at binaggit sa kanya ang narinig kong usapan sa loob ng CR. "Ano yun Adam?" naiinis kong tanong sa kanya. "Ano bang ikinagagalit mo? Halik lang yun tulad ng paghalik sa iyo ni Dave!" galit niyang sabi sa akin at pinigilan ko na maiyak sa harapan niya. "Pumasok ka na. Uuwi na ako." aniya at tuluyan nang umalis at hindi mab lang ako hinintay na makapasok sa loob ng bahay na ginagawa niya noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD