CHAPTER 2: CRUSH KITA

1129 Words
Kasalukuyan akong nakikinig sa leader namin sa kung ano ang gagawin namin sa group activity. Habang si Adam ay nasa likuran ko at nilalaro ang buhok. Mayamaya rin ang amoy niya sa buhok at sinisinghot mismo ang hibla ng buhok ko. Tumalikod ako at sinaway si Adam sa ginagawa. "Makinig ka sa gagawin natin." sabi ko sa kanya at binitawan niya ang buhok ko. "Nakikinig naman ako." parang bata sagot niya sabay nguso. "Sige nga, kung nakikinig ka. Anong gagawin natin?" tanong ko. "Gagawa ng baby?" Napasapok ako sa sariling noo. Ang shunga ni Adam, nakakainis. Pinansilatan ko siya ng mata at may riin na sinabi sa kanya na makinig. Dahil sa hindi niya pakikinig ay kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. "Ms. Patricia Cereno." tawag sa akin ng teacher namin na nasa unahan. Agad naman aomkong tumayo at naglakad papalapit sa kanya. "Bakit po Ma'am?" tanong ko. "Ms. Cereno, last year pa nagpakit ng design ng uniform at lumang design pa rin ng uniform ang suot mo ngayon. Ikaw na lang ang naiiba." imporma niya sa akin at napayuko ako sabay kahat sa kuko ng mga daliri. "Wala pa po kaming pera pambili ng panibago kong uniform pero gagawan ko po ng paraan." nahihiya kong sagot at tumango na lang si Ma'am. Matapos ang paguusap na iyon ay pinabalik na niya ako. Nang makabalik sa mga kagrupo ko ay nawala ako sa mood na makinig dahil iniisip ko kung paano magkakapera para makabili ng uniform. Nanghihinayang din kasi ako kung bibili pa ako ng uniform eh graduating na kami ng highschool at next year ay college na kami. Sayang rin ang 500 pesos para sa uniform, pwede na kasi namin iyong ipang kanin at ulam. "Ok ka lang Pat?" biglang tanong sa akin ni Adam kung kaya natigil ang pagiisip ko. Hindi ako nagsalita at tumango lang. Natapos ang group activity at nakapag reporting na rin pero wala talaga ako sa mood kaya sobrang tahimik ko at hindi ako nakakausap ng maayos ni Adam. Sumapit ang break time ay dumiretso ako sa palagi naming tinatambayan ni Adam. Tahimik na sumunod si Adam sa akin at pilit na inaalam ang nangyayari sa akin sa pagoobserba. Nakatanaw ako sa malawak na field habang tinitingnan ang mga estudyanteng dumadaan. Nandito kami sa hilid ng field nakaupo kung saan nakasilong sa isang malaking puno. "Oh" sabi ni Adam sabay abot ng isang Monde Mamon sa akin. "Salamat!" sabi ko. Wala akong baon palagi kaya dito ako tumatambay pero sinasamahan ako ni Adam at palagi ring binibigyan ng baon na katulad sa kanya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Adam, gwapo, matangkad, matalino at mabait. Payat nga lang tsaka kung minsan ay nakakainis. "Anong problema?" tanong niya sa akin. "Nagsabi kasi sa akin si Ma'am na kailangan ko nang magpalit ng uniform, yung bagong design." kwento ko. "Edi bibili tayo mamaya." sabi ni Adam at inirapan ko siya. "Shunga ka ba? Wala nga akong pera pambili." naiinis kong sabi sa kanya at mas lalo akong nainis dahil hinangin ng malakas ang buhok ko at humarang iyon sa mukha ko. "Ako ang magbabayad." sabi niya at nilingon ko siya. "Wag na, nakakahiya. Palagi mo na lang ako nililibre." sabi ko. Hindi siya sumagot at nakatingin lang sa akin. Nagkibit balikat siya at tsaka inalis ang tingin sa akin. Nakita ko naman na may kinuha siya sa bulsa ng pants. Isa iying panali sa buhok. "Bakla ka ba?" tanong ko sa kanya. "Ay Mare paano mo nalaman?" boses baba niyang sabi habang tumatawa. "Halikan kita dyan eh, nang malaman mo." biglang seryoso niyang sabi at pumwesto sa likod ko. Nagulat naman ako nang bigla niya itinali ng isahan ang buhok ko. Bakla nga ata siya, marunong magipit ng buhok eh. "Hindi ako bakla. Sinasabi ko sa iyo." seeyosong sabi pa ni Adam matapos akong ipitan at bumalik sa pagkakaupo sa tabi ko. "Halikan kita dyan eh." bulong niya pa sa tainga ko kaya nagsitaasan ang balahibo ko sa braso. "Hindi ako bakla, bumili ako ng ipit para sa iyo. Palagi kasing hinahangin ang buhok mo pero tamad ka namang magipit. Tsaka inaral ko rin kung paano magipit noh." paliwanag niya. "Nagpaturo pa ako kay Mama kaya napagkamalan din akong bakla. Peri hindi ako bakla." dugtong niya at tumingin sa akin kaya humarap ako sa kanya. "Papatunayan ko sa iyo na hindi ako bakla..." aniya. Magsasalita pa sana ako pero bigla niya aakong hinalikan sa labi na ikinagulat ko. Kaagd siyang tumayo at kinuha ang bag at patakbong umalis. Kasabay nang pagtakbo niya palayo sa akin ay ang pag ring ng bell. Napakamot na lamang ako sa ulo at tumayo. Kinuha ko ang gamit ko at nagsimulang maglakad. Ang lakas ng trip ni Adam. Pasalamat siya na crush ko siya kaya hindi na ako nagreklamo sa ginawa niyang paghalik. Tulala akong nakapunta sa room pero hindi ko maiwasan na hawakan ang labi ko. Paulit ulit na nagpeplay sa utak ko yung ginawang paghalik sa akin ni Adam. "Pat!" nabalik ako sa reyalidad nang tawagin ako ni Adam. Hindi ko namalayan na time na pala. Napatingin ako kay Adam na nagkakamot ulo niya. "Sorry kanina, ikaw kasi eh. Sinabi ko naman sa iyo na hindi ako bakla." aniya. "Sorry din." sabi ko na lang at kinuha ko na ang gamit. Nagsimula na akming maglakad palabas ng school at ngayon ay nakaakbay na naman sa akin si Adam. Habang naglalakad kami ay napansin ko na na nakatanggal ang pagkakasintas ng sapatos ni Adam. Nang makakita ako ng maari niyang upuan ay huminto kami at pinaupo siya. Lumuhod ako at sinintas ang sapatos niya. Tamad kasi si Adam na magsintas kaya ako na ang gumaggawa nun para sa kanya. Baka kasi madapa siya tapos mahulog sa akin ay este madapa pala. Kasalukuyan kong sinisintasan si Adam nang maramdaman ko ang kamay niya sa noo ko, iyon pala ay inayos niya ang magulo kong bangs. Napangiti naman ako sa ginawa niya iyon pero hindi ko pinahalata. "Kapag ba umamin akong crush kita. Magagalit ka ba Pat?" tanong ni Adam sa akin nang makatayo ako mula sa pagsisintas ng sapatos niya. Imbes na sagutin ay ibinalik ko sa kanya ang tanong. "Kapag ba umamin akong crush kita. Magagalit ka ba?" balik na tanong ko at napahawak siya sa batok niya. "Hindi." sagot niya at tumango ako. Kahit sa kaloob looban ko ay tuwang tuwa ako. Hindi naman pala siya maggagalit kapag umamin akong crush ko siya. "Ikaw?" tanong niya sa akin. "Hindi rin." sagot ko naman. Tumayo na siya sa pagkakaupo at hinila ako para mapalapit sa kanya. Inakbayan niya ako at may ibinulong sa tainga ko. Hindi ko nga lang sigurado kung tama ang pagkakarinig ko. "Crush kita." iyon ang rinig ko sa ibinulong niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD