*** "Hays! Salamat tapos na ang Finals!" Si Urm. She stretched her arms while saying that. Abala naman ako sa pagligpit ng mga gamit ko. Palabas na ang iba at narinig ko na nag-uusap sila tungkol sa mga pupuntahan nila ngayong tapos na ang exam namin. "Ianne, saan tayo ngayon?" Urm asked as I scooped my hair to tie it. Nakita ko si Jun galing sa labas at papasok sa classroom namin. Mukhang tapos na rin sila. "I don't know. Kayo? Where do you wanna go?" Sabi ko at tinignan silang dalawa. Urm crossed her arm as if she was thinking. Kita ko naman ang pagbaling ni Jun sa bag ni Urm na nakasabit sa backrest ng kanyang upuan, at kinuha niya ito. Nagsimula na akong humakbang palabas para doon na kami mag-uusap. Mainit kasi sa loob at pinatay na nila yung aircon kanina pa. "Kain muna tayo

