Charley -- "Ihh! Ayusin mo kasi! Ampanget ng kuha ko diyan oh!" Nakasimangot at nagpapadyapadyak ko pang sabi habang nakatingin sa camera saka sinamaan ng tingin ang gwapong lalaki na kasama ko. Inayos nito ang kanyang salamin saka bored na tumingin sa akin. "Kahit na anong anggulo naman ay pangit ka. Tss." masungit nitong sabi na lalong nagpakulo ng dugo ko. Parang umakyat ang dugo ko sa ulo at sobrang sama ng tingin ko sa kaniya. Sa sobrang inis ay ibinalibag ko sa kaniya ang camera na hawak ko na agad naman niyang sinalo. Bwisit talaga tong lalaking to, pasalamat siya at gwapo siya kundi gigilitan ko na talaga to sa sobrang inis. Kanina pa to e. Kundi lang talaga ako nanghihinayang sa lahi niya ay matagal na tong pinaglalamayan. "Anong sinabi mo!?! " bwisit na tanong ko sa kani

