Progress "I'm a mess right now, paano ako haharap doon?" Pilit kong binabawi ang braso kay Charley ngunit mas malakas ito sa akin kaya't wala akong magawa kung hindi ang magpatianod na lamang dito. Tinatahak namin ngayon ang daan patungo sa café na nilabasan ko kanina, pursigudong maihatid ako kay Ali, samantalang hindi kami sigurado kung naroon pa iyon o baka ay nakaalis na. "Come on, Charley umuwi na lang tayo." Huminto ito sa paglalakad dahilan upang mapahinto din ako. He then glanced at me and sighed. May kung anong emosyon sa mukha niya na wala naman doon kanina. Muli na naman niya akong hinila patungo sa benches at iginiya paupo doon. He just stand in front of me. "Call him, tanungin mo kung nasaan. Kapag nagsinungaling ay uuwi na tayo at hindi ka na makikipagkita pa doon." N

