Speechless "Shouldn't it be red? Chinese." Pinakatitigan ko ang sarili sa malaking salamin. Si Mommy ay nakatayo sa aking likuran na siyang nagbibigay ng komento sa bawat damit na isinusukat ko. We've been into it for almost an hour now. Magaganda ang mga damit ngunit wala pa rin kaming matipuan ni Mommy. "Alistair already saw me in red, Mom. Ibang kulay sana pero satin pa rin." Muli akong kumuha ang isang spaghetti strap draped front na satin dress. It was in a color of teal and I liked it. Sana lang ay bumagay sa akin. Itinapat ko muna iyon sa akin habang nakaharap sa malaking salamin. It was simple, yet super pretty. Nagtungo ako sa dressing room upang isukat ito. "Mom, help me with my dress!" Hindi ko kasi maitaas iyong zipper. Mababa lang naman iyon. Halos sa beywang ko l

