Manliligaw "Hindi ka ba pinakain ng manliligaw mo?" Hindi ko pinansin ang sinabi ni Charley at nagtaas lamang ng kamay upang magtawag ng waiter. We're at a small Restaurant near our subdivision, bigla kasi akong nakaramdam ng gutom habang nasa sasakyan kami. Dahil na din siguro sa ginawa kong pagkontrol sa appetite ko sa harapan ni Alistair. "Isang serve pa ng chicken fillet and caldereta, saka padagdag na rin po ng tatlong scoop ng rice. Thank you." Nakangiting tumango ang waiter saka ito nagpaalam. Muli naman akong bumalik sa pagkain at hindi na pinansin ang naninimbang na mga titig ng gagong si Charley. Kape lang kasi ang iniinom nito habang ako ay pinuno ng pagkain ang pabilog na pang-isahang mesa kung saan kami nakapuwesto. "Dahan dahan, Eve para kang nagutuman." Tinanggap ko

