“Bakit po ba ako nandito? Bakit n’yo po ako aayusan? Hindi naman po ako ang may birthday. Hindi naman po ako kasali sa party. Magsasandok lang po ako ng ulam,” tanong ko habang nakaupo ako sa harapan ng tokador na may malaking salamin at kung ano-ano na ‘yung pinapahid sa mukha ko. Sanay ako, na ako ang nagpapaganda sa mga customer pero hindi ako sanay na ako ang pinapaganda at inaayusan. Natawa muna sila sa mga sinabi ko bago nila sinagot ‘yung tanong ko. “Honestly, pinapunta lang kami rito ng boss namin who happens to be Don Santillan’s friend. Nagkataon that we’re near the area dahil may photo shoot kami for a magazine kaya may mga dala kaming damit,” sagot sa ‘kin ng magandang babae na naglalagay ng make-up sa mukha ko. Matangkad siya na payat. Nakasuot siya ng kulay puti na pang-itaa

