“Leeanne, ako rin ha? Pa-manicure at pedicure ako. Hindi ko na malinis ‘yung kuko ko sa paa dahil naiipit ‘yung bilbil ko,” sabi ni Ate Mae kaya napatingala ako sa kanya at nangiti. Nakaupo kasi ako sa bangkito habang nililinisan ko ng kuko sa paa ang kapatid niyang si Ate Risa. Sa tuwing nagpapaalam ako kay Ate Aida na maniningil ako ng pautang ni Ate Mimi, ang totoo ay nagho-home service ako sa mga gustong magpa-manicure at pedicure. Minsan may malakas ang loob na nagpapagupit din sa ‘kin ng buhok, na maganda naman ang kinalalabasan. ‘Yung kinikita ko araw-araw, iniipon ko para may maibigay akong pera kay Ate Aida sa katapusan. “Sige po, Ate Mae. Pili na lang po kayo ng kulay ng nail polish na gusto n’yo.” Inabot ko sa kanya ‘yung pouch na may lamang mga bote ng nail polish. Sa tuwing

