Isang linggo na ang nakalipas. Palabas na kami ng ospital ngayong araw. Sa wakas makakalabas na ako ng ospital. Hindi na puting dingding ang makikita ko. Si Chloe/Bridgitte kung tatanungin niyo ako about sa kanya. Ayon nasa Assylum na siya kasama ng mga taong nawawala sa sarili. Naikwento na ni Papa sa akin ang lahat. Kapatid ko siya. At maging kahit sino pa siya tatanggapin ko siya. Sabi ni Papa walang kasalanan si Bridgitte sa aksidenteng nangyari sa amin ni Chloe. Hindi na mahalaga kung ano bang nangyari noon. Ang mahalaga sa akin buhay ako at nabigyan ng pag kakataong mag bago ang kapatid ko. Masyado lang sigurong emotional stress ang kapatid ko kaya nagawa niyang manakit ng ibang tao. Kahit hindi pa siya humihingi ng sorry. Pinapatawad ko na siya. Kahit anong mangyari kapatid ko

