Chapter 3 - Bestfriends

1966 Words
AUBREY POV Papasok na ako ngayon sa school. At kailangan may body guard na kasama? Hussh sana sa bahay na lang ako kahit isang linggo lang kaya naman ako iexcuse ni Daddy. Pababa na ako ng kotse ng mariinig kong may tumawag sa pangalan ko. "AUBREY MARIE?? HERE?.." Si Ria pala ang pinaka da best sa lahat. Tumakbo siya palapit sa akin. "Sisteret anong meron?? Body guard?? Sosyal ah. Ikaw na talaga. Siguro may ginawa ka na namang katarantaduhan kaya nandito yang mga yan. Last time kasi na nandito sila eh nahuli ka ng daddy mong...." tinakpan ko ang napaka daldal niyang bibig. Nasa tapat kasi kami ng gate ng school kaya bawat estudyanteng dadaan eh napapalingon samin dahil sa ingay niya. "Pweee. Saan mo huli hinawak yang kamay mo sisteret. EEEEWWW baka mamaya galing ka sa CR at nakalimutan mo maghugas makatakip lang ng bibig wagas. Sabihin mo lang kung gusto mo pakain sakin yang kamay mo. Pupunta tayo ngayon din sa Manila Zoo para ipakain yang kamay mo sa mga buwaya." bulyaw niya. Nakalunok na naman siguro to ng megaphone. "Teka nga nakalunok ka na naman ng megaphone ano. Oh inaatake ka na naman ng pagka baliw mo." inirapan ko siya at pumasok na ng St. Joseph High campus. Sumunod naman siya sakin. At pilit akong kinukulit kung ano na naman daw ba ang ginawa ko. "Umabsent ka ng isang araw. Alam ko hindi mo gawain yon. Nakakapagtampo ka naman. Namiss lang naman kita. Isang araw akong walang kasama wala akong kasabay kumain ng lunch kahapon. Wala rin ako makausap. Tapos iniisnob mo lang ako. Sisteret ganyan ka na ngayon naglilihim ka na." may pagtatampo sa boses niya. Nilapitan ko siya at inakbayan. "Huwag ka ngang umarte diyan na parang ako ang kontrabida dito. Pwede bang pumasok muna tayo. Male late na kasi tayo eh. Mamayang lunch ko na ikwekwento sayo lahat pwede?, Please sisteret." pag mamakaawa ko sakanya. "Okay!" ____________ "Okay class IV- Avocado, before I dismissed gusto ko muna sanang magpaalam sainyo." sabi ni Sir Pamintuan. "Why Sir? You're going somewhere?" tanong ni Sarah ang Miss Campus ng school. "I just file a leave this morning. I will go to new york for a family reunion. Maybe 2 or 3 months ang itatagal bago ako bumalik. But don't worry class I already met the subtitute teacher this morning. At inayos ko na ang lahat ng dapat ayusin. Lahat na naman kayo nakapagpasa na ng project." Lahat? eh hindi pa naman ako nakakapg pasa ah. "Wait Sir ako po hindi pa nakakapag pasa." Sambit ko. "Miss Montenegro as i remember kapatid mo ang nag abot sakin ng project mo sa faculty room" "Ah ok sir ka-kala ko po kasi hindi niya inabot." palusot ko. Paanong si Claire ang magbibigay sakanya eh tinanggihan niya ngang dalhin yon ng makisuyo ako sakanya. At iniwan niya pa nga sa bahay. "Okay any question class?" "Kung wala na ididismissed ko na kayo ng maaga. Ngayon din kasi ang schedule ng flight ko." Katahimikan ang namayani sa buong classroom. At ibig sabihin lang non eh wala ng may tangka pang magtanong. "Kagaya ng sinabi ko sainyo nang first day ng class magpakabait kayo, lalo na sa magiging bagong teacher niyo. Sabagay isusumbong naman nya ang behavior niyo pagbalik ko. Okay! Class dismissed!" Pagkalabas ni Sir ng classroom nagsigawan ang mga kaklase ko. "YES! Yahoo!! Iwas sunog kilay na.Makakapagpahinga nadin ang utak ko kahit papaano." sabi ng isa sa mga kaklase kong lalaki. "Salamat at naisipan niyang magbakasyon. At sana ang papalit sakanya eh hindi masyadong terror." sabi naman ng isa sa mga kaklase kong babae. "Uyy sisteret kanina pa kita tinatawag mukhang lutang na naman yang utak mo ah." sita ni Ria "Eh nagtataka kasi ako hindi ko naman kasi alam na inabot talaga ni Claire yung project ko iniwan niya pa nga sa bahay yon." "So sinasabi mong nagsisinungaling si Sir? Yun pa hindi mo maiisahan yon si Sir Pamintuan pagdating sa project no." "Sabagay baka nga binalikan niya yon naawa siguro sakin." "Halika na nga marami kang utang na kwento sakin na dapat mong bayaran. Kaya ililibre mo ko ng lunch ko ngayon." "Ibang klase ka din eh noh inuutang na pala ngayon ang kwento. At pagkain ang bayad. Yung totoo sisteret sabihin mo na lang na ilibre kita dami mo pang alam eh." "Tara na tama ng satsat sa barangay ka magpaliwanag huwag dito. Kumain na muna tayo kasi nagugutom na ko. Hindi ako nag almusal dahil gusto ko makachikahan ka bago pumasok. Eh ang kaso ang tagal mo. At may kasama pang body guard. Ayon oh tignan mo nasa labas pa din sila ng campus. Ang loyal din nila sa trabaho nila noh." "Hsssh never mind them naasar lang ako pag alam kong may body guard sa labas paano tayo mag mall nito pagtapos ng klase." Nakahiligan na namin nitong si Ria ang dumretso sa mall pagtapos ng klase. Pang pawala ng stress. Hindi naman kami nagpapagabi umaabot lang kami ng isa o dalawang oras sa mall. "Ako ng bahala don sisteret magaling ata ako sa takasan. Kaya ilibre mo ko dahil kailangan ko ng energy mamaya." "OO na Ria Cruz. Ano pa bang bago sayo." Nandito na kami ngayon sa canteen. Umorder lang ako ng fried chicken at isang rice wala kasi kong masyadong gana kumain. Samantalang si Ria sandamakmak na pagkain ang inorder kala mo mauubusan. Umorder siya ng kanin at fried chicken, french fries, burger, banana que, at 1.5 liter ng softdrinks. "Yung totoo kain ba yan o lamon?" tanong ko sakanya. "Ano ka ba sisteret huwag ka ngang maingay kumain ka na lang diyan palibhasa ikaw diet ka. Huwag mo kong ituladd sayo marami kasi kong bulate sa tiyan." paliwanag niya. "What ever!! sabihin mo libre kasi bukas may bayad na yan" sabay subo ko sa paagkain. Si Ria abat hindi talaga siya halatang gutom akalain mong naubos lahat ng inorder niya. "So ano na magkwento ka na aba. Natapos na tayong kumain lahat lahat hindi ka pa dn nagkwekwento. Bilis naiinip na ko ah." inip na sabi ni Ria. Paano ko ba kasi sisimulan ang kwento ko. Dapat ko bang ikwento sakanya. Sigurado ako magsisisigaw tong eskandalosang babae na to. Ah basta ikwekwento ko na nga lang lagot lang siya sakin pag may ibang naka alam nito. _________ "HUUUWWAAAT???" REALLY??" sigaw ni Ria. Dahilan para tignan siya ng mga estudyanteng nasa loob ng canteen. "Ano OA lang. Papansin agaw atensyon??" sabi ko sakanya habang tinatakpan ang bibig niya. "Pweee ilang beses ko bang sasabhin sayo na huwag mong ipakain sakin yang kamay mo. Sige ka pag inulit mo pa kakagatin ko na yang kamay mo." "Ang OA lang kasi sisteret eh." sabi ko. "Sino ba naman kasi ang tatakas ng hindi nag iingat yan tuloy grounded ka. HaHaHa buti nga sayo. Correction hindi ako OA. Nagulat lang ako, ang bestfriend ko ikakasal na. Lalagay ka na sa tahimik. Huhuhu iiwan mo na ko sisteret??" nangingiyak na sabi niya. "Oo hindi ka nga OA. Tumigil ka nga sa kadramahan mo. Siguraduhin mong satin lang to ah. I know you can keep my secret safe." "Oo naman. Eh kumusta naman yung guy gwapo ba? Abay ako ah. Hindi pwedeng wala ako sa kasal mo. Bestfriend mo kaya ako." "At umaasa kang maging maid of honor?? Asa.. Atsaka ayoko ng kasal sa simbahan gusto ko simple lang at pribado. At yung guy gwapo?? Pssssh his 10 years older than me Ria" Napanga nga si Ria. Nagulat din sa narinig niya. Sarado mo bibig mo baka pasukin ng langaw. "Baka gwapo naman kaya keri mo na yon sisteret. Saka 10 years lang naman eh. Hindi naman ganon ka tanda sayo. Yung iba nga diyan 20 years or more than pa kaya ok lang yan sisteret." "Ok lang pala sayo eh. Ikaw na lang kaya ipakasal ko." "Sabi ko nga matanda siya sayo. So anong plano mo?" "Wala namang ibang choice diba kaya papayag ako pero in a civil wedding lang para walang makaalam gusto ko pang makatapos ng pag aaral no. Kaya sasabihin ko kila Mommy at Daddy na icivil na lang ang wedding and after a year pwede na naman siguro akong makipag divorce diba? Sasabihin kong papayag ako magpakasal basta after a months or a year pwede akong makipag divorce ano sa tingin mo?" "Kung ano sa tingin mo ang tama. Tama na din para sakin. Susuportahan kita sisteret. Saka madali lang naman para sainyo ang makipag divorce marami kayong pera eh at saka mayaman kayo. HIndi tulad ko isang scholar lang kaya nakakapag aral ako dito. Basta sisteret what ever your decission at ano mang problema ang dumating sayo I'm always here for you. Maging good or bad ang kalalabasab nandito padin ako" "So mag da dramahan tayo dito? Lakas din ng tama mo noh kanina lang para kang kengkay na hindi maayos kausap tapos ngayon kadramahan mo. Iwas sa pag singhot ng katol ha sisteret. Anyway thank you sisteret." Niyakap ko siya. Kahit kelan naman hindi pa niya ako binigo. _______________ "Sisteret paano mo ko maitatakas sa dalawang kumag na yan. Eh lahat ata ng lumalabas ng campus eh nakita na nila. Gusto kong mag mall pang pa good vibes." sabi ko kay ria na may pag aalala. "Basta pag lumapit ako sakanila tumakas ka na. Nagagawa mo ngang tumakas sa mansyon niyo diyan pa kaya sa dalawang kumag na yan.Sige na magkita na lang tayo sa karinderya ni Aleng nora wait mo ko don ah." "Okay Gudluck sisteret. Hintayin kita don. Bilisan mo ah mag aarcade pa tayo." sabi ko. "Oo naman libre mo ata yon." "Lagi naman eh. Sige na." At lumapit na siya doon sa dalawang kumag kinakausap na niya ang mga ito sumenyas si Ria na oras na para tumakas ako. Dali dali akong naglakad palayo sakanila. At nakahinga ako ng maluwag ng makalayo na ako sakanila. "At saan ka pupunta?" sita sakin ng kung sino. Naku po sabi ko na nga ba hindi uubra ang plano mo sisteret eh. Huhuhu. Nilingon ko ang lalaking nagsalita. "Ah eh kala ko kasi.." natigilan ako ng pagsasalita ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. Walang iba kundi si crazy old man. Bakit nandito tong baliw na to. Mag susumbong na naman to kay daddy panigurado. "Bibili lang ako ng project." palusot ko. "Bibili? Kailangang takpan ng bag ang mukha mo habang naglalakad may pinag tataguan ka ata." Nakita kong nag aalburuto na sa paghahanap yung dalawang kumag sakin. Kailangan ko ng makaalis bago pa nila ako makita. Naghihintay na si Ria sakin. "Ah Eh masyado kasing mahangin kaya tinatakpan ko yung mukha ko. Sige Alis na ko ah. Baka kasi magsara yung store na pag bibilhan ko sige bye. !" At iniwan ko na siya tinawag pa niya ko pero binilisan ko na ang lakad at takbo ko. Dahil sigurado ako narinig ng isa sa mga body guard ko yung pagtawag niya sa pangalan ko. "Kahit kailan talaga pahamak yong matandang yon. Grrrrr!!!" tanaw ko na si Ria sa tapat ng karinderya ni Aleng nora habang kumakaway sakin. "Bakit ang tagal mo sisteret? Kala ko nahuli ka na ng mga kumag na yon.Dapat nga kasi nauna ka pa sakin eh. Ang dali lang pala libangin ng mga kumag na yon. Walang kahirap hirap. Bakit ba ngayon ka lang ha?" tanong niya ulit sakin. "Ah kasi may nasalubong akong baliw na matanda kinausap ako nakaka awa naman kaya kinausap ko muna sandali." "Ganon. Pati baliw kinakausap mo? Oh siya halika ka na baka maabutan pa tayo ng mga bodyguards mo." "Kaya nga naging mag bestfriend tayo eh. Kasi baliw ka. Hahahah." "Ha ha ha ! OO na baliw na ko. Bestfriends forever! " Laking pasasalamat ko at kahit papaano may bestfriend akong baliw tulad ni Ria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD