Jake's POv Nagtext sa'kin si Aubrey nung isang araw at nakikipag kita siya sa'kin ngayon. Sa totoo lang wala na akong balak na makipag kita sa kanya. Hindi dahil sa gusto kong maka ganti dahil sa hindi niya pagsipot sa'kin ng inaya ko siyang makipag date. Ang totoo niyan may pakay ako. At gustong gusto ko ng malaman kung nasaan na ang taong hinahanap ko. At ang tanging paraan para mahanap ko ang taong bubuo sa'king muli ay sa pamamagitan ni Aubrey. Isang malaking parte ng buhay ko ang gusto kong mahanap. Oo nagkamali ako. At gusto ko ng itama ang mga maling iyon. Bigla akong nagulat ng makita ko si Kurt na nasa bahay namin. Oo kilala ko siya dahil isa siya sa matalik na kaibigan ni tita. At alam ko kung anong pakay niya kung bakit nandito siya ngayon. "Pwede ba kitang makausap?" ump

