Aubrey's Pov Nagising ako ng dahil sa mabahong usok na naamoy ko. Galing sa labas ang usok. Marahil lugmok ang mga tao sa labas sa kaka sigarilyo. cough.cough.cough Napa-ubo ako sa sobrang tapang ng usok. Hindi ako makagalaw ng maayos. Nakagapos ang buong katawan ko sa upuan. At hindi lang ako ang nandito. Pssst! Mahina kong tawag sa kanya. Nagbabaka sakali na baka magising siya. Naaaninag ko kasi sa salamin ng bintana ang babaeng nasa likod ko. Nakatungo siya at katulad ko nakagapos din siya sa isang upuan. Kilala ko ba siya? Bakit siya nandito? Nakita kong gumalaw siya. "Gising ka na ba? Uyy." inalog- alog ko ang upuan ko. "Alam mo ba kung nasaan tayo? Bakit nila tayo dinala dito?" sunod - sunod kong tanong. Pero wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. "Mmmm.Mmmm. Mmmmmmmmmmmmm

