Aubrey's Pov
“Duh? I will never marry that guy!!”
Ito 'yung ayaw ko 'e, ang arrangged marriage napapanood ko to sa palabas sa tv at sa mga pocket books ko lang nababasa ang ganitong eksena.
Pero bakit kailangan mangyari pang mangyari sa buhay ko pa talaga.
“Ate, umayos ka nga. Ito ka, ito ako magkatabi tayo. Kaya pwede ba huwag kang sumigaw riyan,” Si Chloe habang nag su-surf sa internet.
Itong kapatid ko talaga panira ng moment.
“E, kasi naman e, bongga 'yung big news kanina ni daddy. Ikaw ba hindi ka ba nagulat?”
“Hindi! Ba't naman ako magugulat ako ba 'yung involve hindi naman 'di ba?” Bara niyang tanong.
Kahit kailan talaga napaka-maldita nito.
“Waah! Waah! AYOKO! As in capital A – Y – O – K - O!” sigaw ko.
“Ate, pwede ba huwag kang OA. Malay mo gwapo iyon. Edi jackpot ka. Saka matutupad na 'yung pangarap mong mala-fairytale na love story.”
“Jackpot sinasabi mo diyan. HELLO! Saka hindi ganito yung pinangarap kong love story, no. Saka Hindi mo ba narinig 'yung sabi ni daddy, anak daw ni Tito Danny 'yung ipapakasal sa'kin.”
“So...anong problema mo?” tanong niya. Nag-angat pa siya ng kilay.
“Sabi ni mommy sa states daw 'yon nagtapos ng pag-aaral.” dagdag ko.
“That’s great for you ate.” Sabay ngiti niya ng nakakaloko sa'kin.
“Ayy ewan! Bahala ka nga riyan labas muna ako magpapahangin. Kapag hinanap ako ni daddy alam mo na kung saan ako nagpunta.” Tumayo ako naglakad na palayo.
“No! Sabi ni daddy dito magdidinner ang soon to be husband mo kaya dapat nandito ka. Give me a good reason kung bakit aalis ka.” Pinag-ekis niya ang braso niya sa tapat ng dibdib niya.
“Sige na naman, I need some air. Babalik din ako before dinner promise. Ahmmmm, I will bring you an ice cream. Double dutch flavor. Okay na ba 'yon?” Suhol ko. Baka makalusot.
“Okay. You’re the best ate talaga! Sige na. Tsupi! alis na baka mag bago pa isip mo este isip ko. Don’t forget to go home before dinner dahil kung hindi wala ka ng kapatid. Bye ate, don’t forget my ice cream. Love you!”
“Kahit kailan ka talaga. Kailangan may suhol bago gawin?’’
“Ganoon talaga sige na alis na. Ako nang bahala kay daddy. You need some air tignan mo hitsura mo mababaliw ka na okay bye.” Sabay sara n'ya ng pinto.
Haaaayys! Makaalis na nga baka may makakita pa sakin.
Siguro naman walang body guard doon sa gate sa likod- bahay. Madalas kasi sa ganitong oras sila nagmemeryenda.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Talon!
“Ayy pusang kalabaw.” Nagulat ako naang may isang lalaking nakatayo sa tabi ng poste. Kanina niya pa ba ko pinapanood? Nakakahiya kababae kong tao nakita niya ko sa ganoong sitwasyon.
Haays! Never mind at isa pa wala syang pakialam. Yumuko na lang ako hanggang sa malampasan ko ang lugar kung nasaan siya.
“Miss nakakahiya talaga yung ginawa mo.”
Hah? Nababasa niya kung ano nasa utak ko. Teka, sinong kinakausap niya ako ba? Baliw ata 'yon?
Lumingon ako sa kanan, kaliwa, sa harap at likod bukod sa pusang hinahalukay ang basurahan wala namang ibang tao kundi ako lang.
“HAH? Are you talking to me ba kuya?”
“Ay hindi! Iyong pusa kausap ko. Hindi ka lang pala slow. You're stupid too.”
Aba’t sira ang ulo nito ah. Who is stupid? Sino ba siya?
"A, kuya kung wala kang mapagtripan, heto piso, o. Humanap ka ng kausap kawawa ka naman kasi, e. KSP ka ba kaya ka ganyan? Or should I say you don’t have a lovelife?”
Mukha naman kasi talagang walang lovelife 'tong isang 'to tignan mo nga yung hitsura niya mukhang subsob sa trabaho naka salamin pa. Mukha naman siyang gwapo kaso wirdo. Pinandilatan niya ko ng mata. Kala mo matatakot mo ko ah.
“Tapos ka na bang pagpantasyahan ako?”
HUH.. DUH ang yabang talaga. Makaalis na nga he just wasted my time.
“Psssst! Miss where do you think your going?” tanong niya.
“Who the hell are you to ask me? I don’t even know you. So can you get out of my way.”
Nakakainis na talaga sino ba itong lalaki na 'to? Ahmmm, alam ko na.
“Kuya tignan mo 'yung ale manganganak na ata?” Sabay turo ko sa isang direksyon. Sinamantala ko 'yung pagkakataon na 'yon para makatakbo. Nagtago ako kung saan hindi niya ako makikita.
Nakatanaw ako sakanya kung saan ko siya iniwan. Pakamot-kamot siya ng ulo. Para siyang nalugi, he looks like crazy, kinakausap niya 'yung sarili niya at umiling-iling.
Nagkalat na talaga mga baliw sa earth.
Naglakad na ako papunta sa lugar na kanina ko pa gustong puntahan. Lugar kung saan makakahanap ako ng katahimikan. Lugar na kung saan 'pag may problema ako roon ako nakakahinga nang maluwag.
Nakaupo na ako ngayon sa bench na ginawa ko sa ilalim ng isang puno. Palubog na 'yung araw at kitang-kita mo sa hindi kalayuan 'yung pagkinang ng mga ilaw na nakapalibot sa isang bridge. Damang dama ko yung lamig ng simoy ng hangin. Alam ko dala-dala ko 'yung jacket ko. Siguro nalaglag no'ng tumakbo ako palayo dun sa lalaking baliw.
Paano ko ba tatanggihan yung kasal na yon. Pero ako na lang 'yung tanging pag-asa ni daddy para sa company. Hindi nila sinabi sakin 'yung totoong dahilan kung bakit niya ko ipapakasal kesyo maliit pa raw ako pinagkasundo na kami ng taong kahit kailan e, hindi ko pa nakikita.
That’s a stupid reason. They could just tell me the truth bakit pa kailangan gumawa ng kwento. Bumuntong hininga ako. Kasal Kasi yun eh isang seryosong usapan.
Siguro after 1 year pwede na akong maki pag divorce. Nagkaroon ako ng ideya. Pagkauwi ko sa bahay kakausapin ko si mommy at daddy. Humiga ako at pinikit ko ang mga mata ko.
Nagulat ako ng biglang nag ring yung phone ko. Nakita ko sa screen ng phone ko si Chloe tumatawag. Sinagot ko ang call niya at halos mabasag ang eardrum ko sa pagsigaw niya.
“ATE! WHERE ARE YOU NA DADDY IS LOOKING FOR YOU!!”
“Chloe hindi ako bingi. Pwede ba don’t shout at me. I’m my way home sorry nakatulog kasi ako eh. Tell daddy that I will be there in 15mins. OK?”
"Ok Ate. Sorry Ate. Make sure na pauwi ka na ah. Don’t forget your promise ha. I love you. Bilisan mo na at mag aayos ka pa para pag nakita ka ng future Brother in Law ko maganda ka. Pero mas maganda padin ako.”
“Oo na sige na kahit kelan ka talaga puro ka kalokohan.””Ok Bye na”
Nakatulog pala ako. Makaalis na nga. Kailangan ko pang dumaan sa isang store para sa ice cream ni chloe.
Kakausapin ko sila mommy at daddy before or after ng magaganap mamaya. Later I will meet my future husband. I will do everything para di niya ko magustuhan. Ano kayang itsura niya.
“Here’s your ice cream my dear sister.”
“Thank you ate. Are you ready na ba. Maya maya andito na sila Tito Danny I’m sure gwapo yung anak nun gaya ni Tito.”
“Whatever. And I don’t even care. Hmmp”. Sabay pisil sa pisngi nia.
“Ouch ate. You’re so pretty ate tonight.”
“So tonight lang hindi araw- araw?”
“Uhmm oo. Because I’m more prettier than you ate.”
“Hahaha as you wish.”
Biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko. Iniluwa nun si Daddy at Mommy.
“You’re so pretty tonight my dear.”
“I know that Dad.”
“Ahmm syempre saan pa ba magmamana yan kundi sa mommy”. Si mommy naman ang nagsalita.
This is the right time para makausap sila.
“Ahmm Daddy Mommy may gusto po akong sabihin sainyo”
“Anu yun anak.” Tanong ni mommy.
Magsasalita na sana ako ng biglang may magdoorbell.
“Andyan na sila anak. Ready ka na ba? I’m sure magugustuhan mo siya kaya smile na anak.”
Ngumiti ako ng isang pekeng ngiti. Mamaya ko nalang nga sila kakausapin. Pababa na kami ng hagdan ng may isang makulit na kanina pa ako kinakalabit.
“What’s wrong with you Chloe kanina ka pa kalabit ng kalabit dyan.”
“Kinakabahan kasi ako para sayo ate eh.”
“Don’t think about it sister. Ok lang ako. Saka huwag kang excited kesa sakin.”
“Haha your so nakakatawa ate paano mo nalamang mas excited ako sayo. Magkakaroon na din ako ng Kuya. Yehey.”
Nasa Dining Area na kami at tuwang tuwa ako dahil si Tito Danny at Tita Jane lang ang naroon. Ibig sabihin ba nito hindi na matutuloy ang kasal.
“Oh where is Kurt?.” Tanong ni Mommy.
“He is a little bit late. Parating na rin siya kumain na muna tayo. Don’t worry Martha his not going to break his promise to you.” Patawa tawang sagot ni Tito Danny.
“Sorry for that may inasikaso pa kasi siya” sabat naman ni tita jane.
So Kurt pala ang pangalan niya. At masyado pa talagang paimportate ha. A little bit late pa. Sana di ka lang late huwag ka ng dumating mas masaya.
Kasalukuyan ko ngayong kinakain yung leche flan na dessert. Wala akong ganang kumain ng heavy meal.
“Anak bakit yan ang una mong kinain?” Tanong ni Daddy sa akin.
“Ahmm Daddy busog pa po ako. Kaya dessert na lang po ok na po ako dito.”
“Sorry I’m Late.” Bungad ng lalaking dumating. Wala akong interest na lingunin siya.
“Oh kurt ok lang iho have a seat.” Aya ni Mommy.
“Thank you po Tita.” Lumapit muna ata siya kay mommy at humalik sa pisnge nito.
Si Chloe eto na naman panay ang kalabit sa akin.
“Anu ba Chloe umayos ka nga saka kumain ka lang ng kumain diyan huwag kang makulit.”
“Ate kanina pa kasi sila nakatingin sayo huwag mong paglaruan yang dessert.”
Ha? Sila nakatingin sa akin bakit.
“Ahm anak tapos ka na bang paglaruan yan. Kanina ka pa namin hinihintay matapos diyan eh. Nakakahiya naman sa future husband mo.” Maawtoridad na sita sa akin ni daddy.
“Sorry po dad.”
Naramdaman kong lumapit ung lalaki sa akin “ Hi nice meeting you miss I’m Kurt John Arevalo.”
Teka parang pamilyar yung boses na yun ah.
“IKAW??” sabay duro sakanya ng kutsarang hawak ko.
Laking gulat ko dahil di ko inaasahan na siya pala yun. Yung lalaking baliw kanina sa likod ng bahay.
“Yes ako nga my future wife.” At ngumisi siya ng nakakaloko.
Kumaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko. Teka lang anu bang nangyayari bakit siya pa. Saka isa pa bakit ang gwapo ng aura niya hindi naman ganun yung itsura niya kanina ah.
------
"Anak buksan mo tong pinto. Ano bang nangyari saiyo. Please open the door." pakiusap ni mommy.
"Sigurado po ba kayong ikaw lang andyan mommy?"
"Oo anak ako lang kaya please buksan mo na to."
Binuksan ko ang pintuan at pinapasok si mommy. Nakakahiya kasi yung gunawa ko bigla na lang ako nagtatakbo baka isipin nung lalaking yun may gusto ako sakanya. No way! Nagulat lang talaga ako. Paano kung magsumbong siya kay daddy. Naku namanhuwag naman po please.
"Anak may problema ba. Bakit ka nagtatakbo.?"
"Mommy ka-kasi nagulat lang po talaga ako."
"Kung wala naman palang problema halika na sa baba at ng pormal kaung makapag kilanlan ni Kurt"
"Opo Mommy. But Mom can I talk to you and Dad after this? "
"Yeah sure my dear. Let's go?"
Sumama na ako kay mommy at naabtan namin silang nasa Living room nag uusap sila Daddy, Tito Danny at Tita Jane.
At si Chloe ayon mukhang kaclose open na agad nia ung lalaking baliw.
"She's here. Nagulat lang tong si Aubrey kaya nagtatakbo kaya pagpasensyahan niyo na."
At nagtawanan silang lahat. Ano bang nakakatawa sa ginawa ko. Nakakagulat naman talaga eh. Kayo kayang nasa sitwasyon ko.
"Hi ate. Close na kami ni kuya kurt."
"Uhmm wait cuttie let me introduce my self " sabay ngiti kay chloe. Eto namang kapatid ko wagas kung makangiti.
"Kurt John Arevalo, 26 years old. 5'8 ang height. And Im a teacher. and Happy to be your future Husband."
Sabay abot ng kamay niya sa akin. Nakipag shake hands naman ako. Wait tama ba yung narinig ko. 26??? and wait im 16.. Hala naloko na.. He is 10 years older than me.
"Ate helllloooo. He is asking about you. Bakit nakatulala ka lang diyan. Oh wait sige ako na lang magpapakilala para sayo."
"Ok let me introduce my the best ate. She is Aubrey Marie Montenegro, sweet 16, and 5 flat ang hieght."
Sinamaan ko siya ng tingin hindi 5 flat ang height ko no. 5'2 naman ho.
"Oh 5'2 pala ang height, sorry namali lang"
Tinitigan ako ni chloe mula ulo hanggang paa.
"Vital statistic 32, 27, 35"
Pinandilatan ko siya ng mata sa sinabi niya. Ano yun nanghula hello mas sexy pa kaya ako dun. Si lalaking baliw naman abot tenga ang ngiti.
"She still studying And she is happy to be your wife." Dugtong pa ni chloe. Happy pala ah.Lagot ka talaga sakin mamaya my dear sister.
"Ok are you done can I go now? I want to sleep im so tired being here." pataray kong sabi sa kanilang dalawa.
Sabay talikod sa kanilang dalawa nanlumo akong lalo sa mga nalaman ko.
"Mommy Daddy bigla po sumama po pakiramdam ko pwede na po ba kong umakyat sa kwarto ko?"
Pumayag naman sila. Nagpaalam na din ako kila tito at tita. Ang totoo hindi naman masama yung pakiramdam ko. Ang panget lang kasi ng atmosphere sa baba eh.
Nagpalit ako ng damit at bumaba ulit pero hindi na don sa living room. Tatakas ako ulit gusto kong mapag isa. Inakyat ko ulit yung gate tatalon na sana ako kaso biglang may tumawag sa pangalan ko.
"AUBREY??"