Tahimik na kumakain sa hapag kainan ang lahat. "Pwedeng dito na kayo matulog ni ate, kuya?" si Chloe habang may pagkain sa loob ng bibig. "Hindi pwede iyon anak may sariling bahay ang ate at kuya mo kaya uuwi din sila pagkatapos makapagtanghalian uuwi na din sila." suway ng daddy niya. Si Aubrey naman eh naiinis dahil gusto niya pang mag stay sa mansyon kahit na isang araw lang pero kahit gustohin man niya hindi pwede. Kapag sinabi kasi ni daddy na hindi, hindi talaga pwede. Sabi niya sa sarili habang kumakain. Natapos ang pananghalian ng biglang magsalita si Kurt. "Ahmm Tito Can we sleep over here tonight, just tonight. And tomorrow morning aalis din kami agad marami kasing labahin sa bahay.At may pupuntahan po kasi kaming party ni Aubrey." pagpapa alam ni kurt. "Ano na namang pin

