Kurt's Pov Mag aalasais na ng gabi pero hindi pa din lumalabas ng kwarto si Aubrey. Naasar ko ata masyado. Dahil mag gagabi na naisipan kong mag luto na ng pagkain para sa dinner. Oo ako na mag luluto. Pero kinain ko kanina ang niluto niyang hotdog at itlog. Hindi ko naman talaga dapat kakainin yon kaso may nag tulak saking kainin yon. Nang natikman ko parang ang saya ko. Ewan ko ba ordinaryong hotdog at itlog lang naman yon. Madalas ko rin namang kinakain yon. Pero yung si Aubrey ang magluto para sakin ang cute lang. Siguro kinain ko yon kasi niluto niya yon para sakin. Ang sama ko namang tao kung hindi kakainin ang niluto niya. "Hindi pala ulam ang niluto ko ah. Eh halos ikaw na umubos niyang niluto ko." sabi niya. Paki niya ba eh kaya nga niluto para kainin. Baka kung ano na

