"Where's Mom?" tanong ni Mike nang maabutan ko siya sa kusina habang nagtitimpla siya ng kape. "She's sleeping, napagod siya sa biyahe at sa kakaiyak," sagot ko at tumungo naman ako sa refrigerator para tingnan kung anong p'wede makain. Dinner na kaya gutom na 'ko. "Bakit ba 'to nangyayari sa 'tin... at hindi ko pa rin lubos na maisip na ganu'n si Dana," hindi matanggap na saad ni Mike ngunit nagkibit balikat lang ako. "It was her choice, her body, her rules. Ginusto niyang gawin sa sarili niya 'yon. Ayoko nang mag-isip ng mag-isip at ayoko na rin magalit dahil matanda na siya, kaya harapin niya ang kapalit ng mga ginawa niya," matamlay kong sambit at saka ako kumuha ng bacon at ham. Makapag-sandwich na lang. "You're so numb and emotionless Ruby," bulalas niya sa 'kin na tila hindi niy

