Papunta kami ngayon ni Stefan sa bahay nila, ganu'n kabilis, iuuwi niya na ako sa kanila para doon ako tumira kasama niya. Sounds funny, right? We are now going to be a live-in partner, kagagaling lang din namin sa condo ko para kunin ang lahat ng gamit ko, na-inform ko na rin si Mike na titira na ako kasama ni Stefan sa mansion nila para mapalapit kay Charley. Noong una ay nagulat pa ito at balak niya pa akong pigilan ngunit ipinaliwanag ko sa kanya na parte pa rin ito ng misyon namin, hindi ko naman maiwasang lihim na mapangiti sa isiping magiging mas malapit na 'ko kay Charley at sisiguraduhin kong hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito. "What are you thinking, bakit ngiting-ngiting ka?" takang tanong sa 'kin ni Stefan habang patuloy lang siya sa pagmamaneho. "Wala naman, I'm just

