"Papa! Please, don't leave!" nagsusumamo kong pakiusap habang nasa malawak kaming patag na lugar na may matataas na damo at pilit kong inaabot ang papalayong pigura ng aking ama ngunit papalayo siya ng papalayo. "Papa!!" hingal akong napabalikwas ng bangon habang rumaragasa sa pisngi ko ang mga luhang mula sa mga mata kong kamumulat lang. All these years, ngayon na lang siya ulit nagpakita sa panaginip ko. Pero gayon pa man para pa rin winawarak ang puso ko. Napansin kong bukod sa luha ay basa rin ako ng pawis, dikit na sa balat ko ang silk night dress na suot dahil sa pagkabasa nito. Dumako ang tingin ko sa tabi ko, naalala ko na ilang gabi na nga pala akong hindi tinatabihan ni Stefan simula nang magtalo kami sa sasakyan nang gabing 'yon. Mas mainam na muna sigurong dumistansya siya

