Sabay-sabay kaming kumakain ng umagahan, tahimik at walang may balak na magsalita ngunit ramdam bigat ang paligid. Isa-isa ko silang inobserbahan, si Stefan na patuloy lang sa marahang pagkain na parang walang pakialam sa paligid niya at si Charley naman panaka-nakang sumusulyap lang sa dalawa niyang anak habang kumakain din at si Harley na malagkit ang tinging binibigay sa servant na si Misha o mas tamang tawaging nobya niya. Lumihis na lang ako ng tingin nang dumako ang tingin sa 'kin ni Charley nang mapansin niyang gumagala ang mata ko kaya napainom tuloy ako bigla ng tubig kasabay nang biglang pagtikhim niya na tila naalibadbaran kaya bahagyang tumaas ang isa kong kilay. Ngayon biglang sumagi ulit sa isip ko ang naging mainit nilang usapan ni Stefan kagabi nang mabanggit nila ang pa

