PAGKAUWI nila Marilyn at ng pitong magkakapatid na Monroe sa kanilang bahay ay puno ng katahimikan ang atmosphere nila. Gustong magsalita ni Marilyn pero dahil sa matinding kalasingan niya at sa pagsakit ng ulo ay hindi niya magawang kausapin ng maayos ang mga Monroe na halata pa rin ang selos at galit sa mga mukha nila. Si Archie ay kaagad isinugod sa ospital dahil bugbog sarado ito kina Abraham at Levi. Kung hindi pa nga ito naawat nina Exodus at Diego ay baka natuluyan na si Archie at hindi na iyon sisikatan pa ng araw. Grabe magalit sina Abraham at Levi at ngayon ay natatakot talaga si Marilyn na harapin ang mga ito. Nakita lang naman siya na nakikipaghalikan kay Archie at hindi niya rin alam kung bakit niya ito hinalikan pabalik. "Uminom ka muna nito, Marilyn." ani Katelyn na binig

