KAKATAPOS lang mangisda ni Israel sa dagat kasama si Gael nang lumapit sa kanya si Kobe. Nakita pa niya ang disgustong mukha nito nang maamoy yata na malansa siya pero hindi na lang niya iyon pinansin. "Ahm, you have a work here bukod sa kakagraduate niyo lang ng kambal mo, right? Naka vacation leave ba ngayon ang mga kapatid mo?" tanong ni Kobe habang nagtatanggal si Israel ng suot nitong puting longsleeve polo shirt. "Oo, hiniling kasi sa amin nina Lola Adele at Lolo Defonsi na magbakasyon muna kami ngayong Summer kaya nandito kami araw-araw. Sa hindi inaasahan ay namatay sila nitong nakaraang buwan lang." malungkot namang sabi ni Israel. "Condolence. Maybe that's life. May aalis at may darating rin. Am I right?" Tumango si Israel sa sinabi ni Kobe. Sa pag-alis nina Lola Adele at L

