“Sinunod ko ang request mo so paano naman ang request ko.” tanong ni Tamara hindi s'ya makapaniwala na lumapit s'yang muli para humingi ng tulong rito. Noon humingi rin s'ya ng tulong rito para maagaw si Brent kay Amethyst sa mismong araw ng kasal ni Amethyst. Nagawa n'yang saktan ang kaibigan na labis na n'yang pinag sisihan kahit hanggang nagyon. Ang utos lang naman n'ya mag mukhang may nangyari rito at kay Brent dahil ng mga panahon na iyon may kutob na s'yang buntis s'ya kay Zian. Magulong magulo ang utak n'ya noon. Hindi s'ya makapag isip ng tama kaya lahat ng desisyon n'ya magulo. Kaya binalak n'yang ipaako kay Brent ang pinag bubuntis n'ya noon kahit ikagalit ng mga kaibigan n'ya. Ngayon heto gumagawa nanaman s'ya ng gulo na 'di n'ya akalain na gagawin n'ya ulit. Alam n'yang muling

