Nakatayo pa rin ako rito sa kinaroroonan ko habang tinititigan si James na nasa gitna na ng court ngayon. Halos hindi pa rin talaga ako makapaniwala na nandito na siya para tulungan ako. "Miss Magsaysay, Mr. Belejardo is claiming to be your witness. Are you okay with that?" tanong pa ng Bailiff sa akin. I stuttered for a while dahil in-shock pa rin talaga ako sa sitwasyon namin ngayon. "U-uh, y-yes, he will be my witness." Sobra akong emotional ngayon, na bakit parang lahat ng oras na kinakabahan ako ay dumadating talaga si James para isalba ako? I feels familiar. Ilang beses na niya 'tong ginagawa para sa akin. Napasulyap na ulit ako sa kaniya at ngayon ko lang napansin na kasama na ni siya Liana at si Tina kasama ang isang hindi pamilyar na lalaki. I wonder where is Xyron right now.

